"Ikaw? anong ginagawa mo dito?" tanong ni Diane sa kanyang bisita, walang iba kundi si Zander Moran."Good morning Diane flowers for you." sagot ni Zander dito.
"Pano nalaman na andito ako?"
"Tumawag kasi si Tita Emma sa bahay at sinabi nyang andito ka na nga daw sa Pilipinas, at sinabi rin ni Tita Emma na dito ka nga raw tumutuloy kaya pumunta na ako dito." paliwanag ni Zander kay Diane.
"Mama talaga kahit kailan." sa isip ni Diane.
"Thank you for the flowers, sana hindi ka na nag-abala pa."
"Wala yon para naman makita ko kung ok ka lang dito. Matagal kasing hindi na ako nakadalaw sa iyo sa California, kaya agad agad na akong pumunta dito, at tama rin na may gagawin ako dito." sagot ni Zander.
"Ah! You want coffee Zander?" tanong nito sa binata.
"No, thank you, aalis din ako agad kasi may kameeting ako ngayon, tinignan ko lang kung ok ka lang? pero sa nakikita ko, ok ka naman dito." saad ni Zander sabay ngiti nito sa kanya.
"I'm ok here....Thank you sa concern Zander."
"Ah, ok. mmmm Diane.... Baka minsan naman pag may time ka pasyal naman tayo, sa Maynila para naman makita mo naman ang pagbabago ng ating bansa."
"Titignan ko Zander, pero sa ngayon Zander mas gusto kung magpahinga at mas gusto kong dito muna sa probinsya magkagi, sariwa ang hangin, hindi maingay at hindi magulo."
"Ok, kung handa ka ng mamasyal sa Maynila tawagan mo lang ako at susunduin kita dito. maaari ba Diane?"
"Sige Zander, salamat."
"So paano mauna na ako sayo kasi may importante pa akong meeting, alam mo na... na almost kami na ang nagpapatakbo ng kumpanya ng papa mo ngayon." saad ni Zander na kina tingin ni Diane dito...
"What?"
"Ah, sabi ko... ako muna ang inatasan ng papa mo na mamahala sa kumpanya nyo dahil masasakitin na sya this pass few days." paliwanag ni Zander dito.
"AH! sige na baka mahuli ka pa sa meeting nyo ng kliyente mo?" saad ni Diane kay Zander na sumunod naman ito.
"Sige mauna na ako Diane." paalam nito na kinatango ni Diane, at hinatid ito ni Diane hanggang sa sasakyan nya... "Ingat ka lagi dito."
"Yap! Thank you for the flowers and for visiting me.... take care too." paalam ni Diane kay Zander
"Ok.. I will." sagot naman ni Zander dito, habang pasakay na ito sa sasakyan nito.
"Diane ngayong andito ka na sa Pilipinas gagawin ko ang lahat mapunta ka lang sa akin... kung nasa California ka nga noon napupuntahan kita lagi dito pa kaya! Madami na akong pagod sayo.. kaya hindi ako papayag na mawala lang sa lahat ang pinaghirapan ko." sa isip ni Zander at tuluyan na ngang sumakay ito sa nerintahan nyang sasakyan at umalis na.
"Oh iha umalis na ba ang bisita mo? ang bilis naman nya?" usisa ni Donya Ara sa pamangkin nito.
"Tita may business meeting pa po kasi si Zander, kaya umalis na po?"
"Hmmmm.... iha parang malaki ang pagkagusto sayo ng lalaking iyon ah? alam ko taga Maynila sya... pero tignan mo pumunta pa sya dito para makita ka lang."
"Ewan ko po Tita."
"Iha alam ko may lungkot kang tinatago dyan sa puso mo..... just let go that feeling and face the reality.... alam ko masakit yan but why don't you give a chance for that young man? I think he loves you."