Chapter 35

44 2 0
                                    

Trisha's POV

Ilang buwan na ang lumipas. Ilang Examination din ang naipasa. Ilang activities din ang natapos. Ngayon di ko akalaing lahat ng paghihirap namin, lahat ng pagod namin sa pagaaral ng High School ay matatapos na. Di ko nga alam kung talagang mabilis ang panahon o talagang tamad lang si Author.

Lahat kami ay naka pagtapos ng High School. Di ko akalaing magiging Validictorian ako, alam ko na ako ang nangunguna sa klase pero di ko parin expected. Sila Sandy ay meron ding top at saka umuwi pa talaga mula U.S. ang mga magulang ni Rhoxanne upang masilayan ang anak nilang magtatapos na sa High School. Masaya ako dahil sila Henry hindi ko akalaing magkakaroon din sila ng top.

Natapos ang Graduation may pa-group picture pa kami. Magkatabi kami ni Henry at sila Sandy at Marvin naman ang magkatabi at Rhoxanne at Ramson din. Nasa likod sila kuya at mga magulang nila kasama din sila ate Reina at ate Helya, saka di rin mawawala yung cute na kapatid ni Ramson na si Demson.

Nagpunta kami sa isang Restaurant at oo sa restaurant na naman nila Marvin. Minsan naisip ko nga na namumuro na sila hahaha....lagi kasi kapag may okasyon o kung ano man dito talaga sa restaurant nila. Alam ko na nga kung bakit, kasi may discount wahahaha! Ang brainy naman!Magkaibang table ang mga parents namin at kami.

"Pano yan, sa college anong kukunin niyong course?" Pagsisimula ni Marvin.

"Kung saan si Babe, doon ako!" Agaw namang sagot ni Henry. Ano yan sisundan niya ako! 

"Ako din, kung saan ang future wife ko doon ako!" Saad ni ramson at nabatukan naman siya ni Rhoxanne.

"Ayaw na kitang makasama ang isip bata mo kaya!" Reklamo ni Rhoxanne.

"Magbe-behave naman ako ah at saka para di mo ma miss ang kiss ko--" tinakpan ni Rhoxanne ang bibig ni Ramson bago pa niya mapatapos ang sasabihin niya.

"Haeh anong mami-miss, wala!" Sabi ni Rhoxanne.

"Hon pakipot ka pa eh--aray ko naman ! Sige isa pa hahalikan kita dyan!" Natameme nalang si Rhoxanne sa sinabi ni Ramson.

"Babe, bakit parang tamimik mo naman ata?" Napatingn ako kay henry.

"Ahehehe ganon talaga..." sabi ki naman. "Wala iniisip ko lang pano na tayo niyan kung magkakaiba na tayo ng kukuning course di na tayo masyadong magkikita. Nakakamiss din kayo kahit na puro kayo sakit ng ulo.." pinagtuturo ko sina ramson, marvin, at henry. " lalong lalo ka na Henry, ays buti nalang at mahal kita kung hindi matagal na kitang hiniwalayan--"

"Di yan pwede kasi gagawa pa tayo ng maraming anak!" Biglang hirit ng unggoy na si Henry.

"Che! Magtigil ka mamaya marinig ka dyan nila tita at lalong lalo na si kuya--" ay putik naman oh!

"Edi marinig niya para talagang totohanin niyang ipakasal na tayo!" Anong kasal kasal na yan!

"Magtigil ka talaga dyan!" Sabi ko at niyakap niya ako.

"Ayiiieeh!!" Pangangantyaw nila Sandy.

"Sorry pero doon din ang punta natin." Seryoso siya sa sinabi niya.

*~~*

Natapos na kaming kumain at ngayon magkakasama na ang aming pamilya. Pinaguusapan nila yung kasal  nila ate Helya at Kuya Marcky. Oo, tama ikakasala na sila at matagal na nila itong plano. Sinabi nilang ngayong bakasyon nalang daw para makasama kami. Kinuha kasi si Thunder bilang Best Man, alam mo naman siyempre. Tapos gusto sana ni ate Helya na ako ang Maid of Honor niya kaso ayaw ni Henry, sobra naman si Henry dahil sinabi niya "I'm Possessive". Ang OA niya sobra ano naman kayang mali don o talagang palusot niya lang iyon para maging magka-partner kami. Kaya naman mas mabuting si ate Reina nalang at saka mas maganda na'yon dahil bagay na bagay talaga sila.

The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon