CHAPTER 15

16.6K 385 2
                                    



"Hindi ako maaaring magkamali siya...... Siya si Steven?" sa isip parin ni Diane na nakakalimutan na nya na mayroon siyang kaharap.

"Ehem!" agaw pansin ni Zander dito.

"Ano ba nakita mo at natulala ka na dyan?" tanong ni Zander kay Diane sabay tingin sa likuran nya.

"Ah....... W-Wala... wala Zander." sagot nito kay Zander na nakatingin parin sa kanya at......

" Zander ....... siguro...... siguro panahon na para sabihin ko sayo na....... na kaibigan lang talaga ang kaya kung ibigay sayo, sana maintindihan mo ako Zander, Hindi ko pala kayang kalimutan si Steven. pasinsya ka na. I'm sorry." pahayag ni Diane sabay tayo at alis sa mesang kinaroroonan nila ni Zander at tumingin uli sa bukana ng restaurant at...

"Hindi maaari...... alam ko si Steven yon.... pagkakita ko palang sa kanya bumilis na ang tibog ng puso ko, kagaya noong una ko syang makita sa labas ng gate ng bahay namin noon." sa isip ni Diane

Samantala pagkarating nila Derick at Zai sa bukana Fairmont Makati Restaurant ay agad namang nagbago ng isip si Zai...

"D, ayaw ko na dito kumain... sa pizza hut nalang tayo, mas gusto kung kumain ng pizza ngayon?"

"Pero andito na tayo Z at masarap naman ang mga pagkain nila dito ah?" giit pa ni Derick kay Zai

"Sige na please!!! gusto ko ng pizza ngayon?" pagpupumilit ni Zai kay Derick.

"OK po kamahalan! Kung ayan ang gusto mo.... di sige lika na." sang-ayon naman ni Derick kay Zai at silay lumabas na ng nasabing restaurant.

Habang papunta na sila sa kanyang sasakyan masayang-masaya silang nag-uusap ng di sinasadyang mabangga at maapakan ni Derick ang isang lalaki...

"Ano ba yan? Pare tignan mo naman ang dinaraanan mo!" sita ng lalaki kay Derick habang nililinis nito ang sapatos nitong naapakan ni Derick.

"Sir, pasinsya na po kayo." hinging paumanhin ni Derick sa lalaki ng...

"Pasinsya... pasin....." hindi na natuloy ng lalaki ang kanyang sasabihin ng mag-angat ito ng mukha at tignan ang lalaking nakabangga sa kanya.

"STE---ven!" mahinang bulong ng lalaking nabangga nila sabay ng paglaki ng mata ng lalaki na parang nakakita ng multo.....

"Derick halika.... nagugutom na ako?" singit naman ni Zai kila Derick at sa lalaking kaharap ni Derick habang papalapit ito sa kanila.

Sa paglapit ni Zai "Manong sorry po... hindi po sinasadya ng boyfriend ko, nagmamadali po kasi kami." hinging paumanhin ni Zai dito.

"Ahhh... ehhh." naguguluhang turan ng lalaki.

"Derick halika na?" yaya na nito kay Derick sabay hila sa kamay nito.... "Pasinsya po uli."

"Sorry po uli sir." wika ni Derick sa lalaking nakatulala parin at umalis na sila.

Sa pagtayo naman ni Diane ay dumeritso ito sa information area ng nasabing restaurant at......

"Miss excuse me... pwedeng magtanong?"

"Yes ma'm?"

"May nakita kasi ako kani-kanina lang na papasok na guest nyo....... isang couple..... asan sila miss kaibigan ko kasi yong babae?" tanong ni Diane sa babaing nasa information area.

"Ah mam yong naka light blue long sleeve at black slack pants po yong lalaki at yong babae po nakadress po ng above the knee po na kulay itim?"

"Yeah, sila nga iyon?"

"Eh, ma'm umalis din po sila agad, nagbago po ata ang gusto ng babae?"

"Ah! ganun ba? sige miss salamat." paalam na ni Diane dito at lumabas na sya ng restuarant at umuwi na ito.

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon