CHAPTER 16

15.7K 364 1
                                    




Pagkahinto ng sasakyan ni Derick..."Ahhhh ang sakit ng ulo ko?" saad ni Derick habang hawak ang ulo nito.

"Bakit kung pilit kong alalahanin ang nakaraan ko sumasakit ang ulo ko? Sino ka ba talaga Diane Villasis , bakit parang karugtong ka ng buhay ko?"

"Ano ba mayroon sa aking nakaraan na hindi ko alam, na hindi sinasabi nila mama at papa? Bakit parang may kulang sa mga sinabi nila sa akin noon?"

"Parang kilalang kilala na kita? hindi ko lang alam kung paano at saan?" sa isip pa ni Derick, at dahil sumasakit pa ang ulo nito ay kumuha na ito ng gamot at tubig na nakalagay sa likod ng sasakyan nya para kumalma na ang sakit ng ulo nito.

Lumipas ang ilang sandali't naging ok na ang  pakiramdam ni Derick, at sya'y nagpasya ng umuwi sa kanilang mansion...

"Oh, iho kararating mo lang ba?" salubong na tanong ni Lolo Tacio nito dito.

"Opo lo, pero aakyat na po ako, kasi  sumasakit po ang ulo ko."

"Oh sya sya sige iho magpahinga ka na ok."

"Opo Lo." paalam na ni Derick sa lolo nito at umakyat na ito sa taas at pumusok na sa silid nito.

Pagkapasok nito sa kanyang silid ay dumeritso na ito sa banyo't binuksan nya ang tubig para sa bath tab nito at doon siya nagbabad...

"Thanks God! siguro pagod lang ako, kaya kung ano ano na ang naiisip ko, Yeah! I admit to my self,  Diane is beautiful and I think I'm attractive to her, kaya pakiramdam ko kilala ko na sya." sa isip ni Derick at pinikit nito ang mga mata nito.

"Hahaha....."

"Hahahahaha"

"Mahal ko habulin mo ako kung kaya mo akong habulin?"

"Sige mahal ko kaya kitang habulin kahit saan ka man pumunta." sagot naman ni Derick dito.

Nagpatuloy ang babae sa pagtakbo hanggang sa mahuli nya ito, naghahabulan sila sa may sapa na may umaagos na napakalinis na tubig....

"Mahal ko ang ganda ng agos ng tubig ano?" tanong ng babae kay Derick habang nakayakap ito sa likod ng babae.

"Oo mahal ko, ang ganda at ang linis nito, ganyan kalinis ang pag-ibig ko sayo mahal ko." sagot ni Derick sa babae

"Talaga mahal ko! mahal ko pangako mo sa akin na ako lang ang mamahalin mo! Mangako ka mahal ko."

"Pangako mahal ko ikaw lang......."

"SANDALI!!!!! Huwag nyo syang ilalayo sa akin! HUWAG!!!!" sigaw ni Derick ng may kamay na humablot sa babae.

"HUWAG!!!!!" sigaw ni Derick sabay upo nito sa pagkakahiga nito sa bath tab.

"Nakatulog na pala ako.... Isa na namang panaginip? Ang babaing yon.... I always dreamed about her, I know iisa lang sila ng babaing napapanaginipan ko when I was in New York... I thought nawala na ang panaginip kung ito..... but here I go again!" sa isip ni Derick at tumayo na ito para magbanlaw sa shower... pagkabukas nito ng shower ay....

"Tubig? Agos? Sapa? and that Woman?" sa isip ni Derick.

"Ang ganda ng boses nya, ang halakhak nya ay puno ng ligaya, habang hinahabol ko sya.... pero sino ka? at ang sapang iyon? saan kita makikita?" sa isip ni Derick at tuluyan na itong naligo at ng natapos na ito'y lumabas  na sya sa kanyang banyo, pagkatuyo ng kawatan nito ay agad na syang natulog para maaga syang pupunta sa MGS kinabukasan at para naring matawagan nya rin ang mga magulang nito.....

Kinabukasan maagang nagising si Derick at handa na ito sa pagpunta ng MGS ng maisipan nya munang uminum ng kape sa kusina ng may maulinigan syang nag-uusap sa loob....

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon