"Arestella, pumunta ka sa eskenita malapit sa barrio nina Kashia, yung maraming adik kahapon," basa ko sa text ni ate Katrisse.Ewan ko kung bakit pero nilagay ko nalang ang bag ko sa aking balikat at naglakad sa nasabing lugar.
Nang marinig kong bigla pagbukas ng doorknob ng kwarto ni Nanay na namatay limang taon na ang nakakalipas. Sumara ito at mas lalong dumoble ang kaba ko.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan.
Nag-ring ang cellohone ko. Sinagot ko ito at hindi na nag-abala pang tignan kung sino ang caller.
"Oh, Stella, wag kang susunod sa ate Katrisse mo ha? Pinabilin ka na niya sakin," Mas lalong nangatog ang tuhod ko ng marinig iyon.
"Oh, anong nangyari sayo? Arestella! Hello! Wohooo!"
Ang huling nakita ko ay ang pagkamatay ng tawag at unti-unti nang nagbago ang ang malinaw kong paningin.
Dahil may humampas saakin, sobrang sakit.
--------
"Nay, aampunin pa ba natin ang babaeng 'yan?"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa babaeng hawak ang cellphone, ngunit nakatingin ito saakin at ang kabilang mata nito ay sa matabang babae na nasa kaliwa ko.
"Hello, Arestella, natatandaan mo pa ba ako? Ako ito, si Katrisse, kaibigan mo hehe," nagtaka ako.
"Nagkaroon ka kasi ng amnesia, Arestella," bati saakin ni 'Nanay'.
Nag-usap sila sa labas.
Sana, sinabi nalang nila na ampon ako! Hindi yung aabot pa sa ganito, na nagawa pa nila akong hampasin ng kahoy para lang mawala ang ala-ala ko.
BINABASA MO ANG
Whiteroseofhelena's ONE SHOT stories
Short StoryImagination of an author who has a complicated mind.