Panaginip lang pala

12 1 1
                                    

"Good morning,Philippines!Good morning,World!" sigaw ko.

Good mood ako ngayong araw kasi magde-date kami ng crush ko na si Clark Lopez.Oh diba, dream come true!Iniisip ko palang ang mangyayari sa date namin ay kinikilig na ako eihhhhh

Ginawa ko na agad ang mga morning routines ko baka kasi maaga dumating Clark,nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya nuh,first date pa naman namin to.

I wear a simple pink floral above the knee dress partnered with white doll shoes and pink sling bag. I braided my hair in half and wear a diamond necklace.

Narinig kong may kotseng bumubusina sa labas ng bahay ko at pagsilip ko kung sino 'yon....OMG,Si Clark!

"Wait lang!Bababa na ako!"sigaw ko para tumigil na siya kakabusina at baka maubusan siya ng gasolina naku pag yan naubos hindi na kami makakapag-date huhuhuhu.....

I look myself again in the mirror and quickly go outside the house to greet my crush.

Naabutan ko siyang nakasandal sa kotse niya.

"Hi Ara,"bati ni Clark pagkalapit ko sa kanya.

"H-hello Clark,"nahihiya kong bati.Syempre mahihiya ako nuh ang gwapo niya kaya samantalang ako maganda.Hindi sa pagmamayabang sadyang mga maganda't gwapo lang talaga ang mga lahi namin.

By the way,he look so handsome with his white polo and white pants.Mas lalo akong na iinlove sa kanya.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Clark tapos nagulat ako ng papalit na yung mukha niya sakin.Oh my!Eto na ata ang pinakamatagal ko ng pinapangarap at sa wakas ay matutupad na!Ayan na....




Ayan na...




Ang lapit na niya sakin....





Mga 1 inch na lang mahahalikan na niya ako...





At ako naman si tanga,pumikit at naghihintay na halikan ni Clark...




.....










.....











.....










Bakit ang lamig?










Grrrrrr...








Whoooo....








Ang lamig eh.....









Minulat ko ang mga mata ko at nagtatakang luminga-linga sa paligid ko.Ang naalala ko ay nasa labas na ako ng bahay at mahahalikan na ako ni Clark pero bakit ako bumalik sa kama at ang basang-basa ko?

"Buti naman at gising ka na.Nananaginip ka na naman nuh?Nakanguso pa nga yang baba mo na parang naghihintay ng halik.Oh siya!Sige na!Maligo ka na!May pasok ka pa oiy!",nagulat ako nang biglang nagsalita ang ate kong epal habang may bitbit na balde,take note,nakapamaywang pa siya.

"Oo na!Panira ka eh!Andun na yun eh!Malapit na sana!1 inch nalang eh!Kaso umeksena ka pa!Bwiset!Lumabas ka na nga,Ate!"sinisigawan  ko si ate habang tinutulak ko siya palabas ng kwarto ko.Nagtatampo ako sa kanya nuh!Ang lapit na nga eh!aiish!

"Bilisan mong maligo ha!Malelate ka na!"sigaw ng epal kong Ate.

Pero naman ihhhh!Sayang!Malapit na malapit na talaga!Sana ay totoo nalang yun pero malabong mangyari yun dahil hindi naman niya ako pinapansin.Meron na siyang jowa eh.Huhuhuhu.Pero nung binuhusan ako ni ate ng malamig na tubig ay parang binuhusan rin ako sa katotohanan.Katotohanan na panaginip lang pala.













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Panaginip lang pala(One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon