Unchosen, I.

29 2 0
                                    

Nakahiga si Seok sa sofa ng kanyang inuupahang dormitoryo at sya ay nagmumuni muni. Dapat sa gantong oras ay naghahanda na sya para sa party na pupuntahan nya mamaya kaso tinatamad pa sya. Hindi naman talaga siya dapat pupunta kundi lang talaga malakas ang Jeonghan hyung niya sa kanya na pumilit sakanyag pumunta eh hindi talaga siya magpapakita sa party na iyon. Alam niya kasing mataas ang posibilidad na makita niya siya... o sila.. doon kaya din ayaw niya talaga sana. Bumuntong hininga siya bago tuluyang tumayo at naghanda na. Wala naman kase siyang choice.....

Trenta minutos.. Trenta minutos siyang late sa party pero wala siyang pake. Wala tlaaga siya sa mood. Balak niyang magpakita lang kay Jeonghan at agad na ding umuwi.

May nga bumati sakanya pagpasok niya sa bahay ni Jeonghan at tipid na ngiti lang ang naibigay niya sa mga ito. Gusto niya nalang talagang makita ang hyung nya para makauwi na siya. Sa paglingon lingon niya, nakita niya ang magkaakbay na sina Wonwoo at Gyu. Nakita niya din si Jun na kasama ni Minghao. Napangiti siya kase masaya siya para sa mga kaibigan niya kahit talagang naiinggit na siya sa kanila.. kase masaya sila.

Natanaw na niya si Jeonghan na nasa may kusina. Medyo konti lang ang tao sa gawing iyon. Patungo na siya sa kung nasaan si Jeonghan nang biglang--

"Seok?"

Natigilan si Seokmin at tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig niya ang boses na yon. Ang boses na ilang buwan niya na ring hindi naririnig pero sigurado parin siya kung sino ang nagsalita. Napalingon siya sa kanya..

"Soonyoung"

Katahimikan at biglang may naalala si Seokmin.

"Hyung.. Soonyoung hyung"

Oo. Hyung.. Mali nga pala na Soonyoung lang at iba pang mga nicknames ang itawag niya dito dahil.. hindi na nga pala sila.

"Seok.. musta ka na.. ang tagal mong nawala ah?"

"Nawala? Hindi naman ako nawala ah. Last time I checked.. hindi naman ako yung nangiwan"

"Seokmin.. halata namang iniiwasan mo ako netong mga nakaraang buwan"

"Hindi ako umiwas.. baka talagang sa iba na kase nakafocus mga mata mo kaya hindi mo ako napapansin"

"Seokmin, ano ba.. hanggang kailan ba tayo ganto? Hanggang kailan mo ba ako iiwasan? Hanggang kailan ka ba magiging selfish??"

Natawa si Seokmin ngunit halatang halata na sarkastiko ito.

"Ako? Selfish?? Sino ba yung bumalik lang yung ex nangiwan na? Ako ba ha? Hindi. Kase ako. Ako yung tanga na akala mahal siya ng mahal niya. Na naniwalang kahit babalik yung ex ng mahal niya eh siya padin yung pipiliin. At ikaw. Ikaw yung selfish na nagpaniwala saken na minahal mo ako kahit yung totoo hindi talaga. Kase mula't sapul, hindi naman nawala si Jihoon hyung jan sa puso mo. Tinatanong mo ako kung hanggang kailan ako selfish?? Eh ikaw ba hyung.. gano katagal kang naging selfish saken??"

"Seok--"

"Soonyoung  kanina pa kita hinaha-"

Sabay na napatingin si Seokmin at Soonyoung kay Jihoon. Ngumiti si Seokmin nang pilit at bakas dito ang sakit na nararamdaman niya saka tumalikod at naglakad palayo.

Sa pangalawang pagkakataon kinailangang umalis si Seokmin.. kase anjan na si Jihoon.

UnchosenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon