Chapter 9: Their Secrecies

208 38 94
                                    

Vee's image above
--**--

Chapter IX: Their Secrecies

Bella's POV

"So what do you want to talk about, Bella. Is it about your grades? Your grades look fine to me." Uwian na pero nagpa-iwan ako sa classroom para kausapin si Sir Tyrron ukol sa nalaman ko tungkol sa kanila ng kapatid ko. Maaaring ito na ang susi para matuklasan ko pa ang iba sa mga tinatago ng kapatid ko.

"It's about my sister, sir." It took a while for him to recover from what he heard.

"W-what? What about your sister?"

"May nalaman po ako." Bigla siyang napahinto sa kanyang pagsusulat nang mabanggit ko ang mga salitang iyon. Ilang segundo rin siyang napatitig sa kanyang papel bago muling nagsalita.

"Is that so? What does it have to do with me?" Inayos niya ang kanyang sout na salamin at tinaas ang tingin sa gawi ko. Tinuwid niya ang sarili sa pagkakaupo na animo'y naghihintay ng mga susunod kong sasabihin.

"Sir, is it true?"

"I can't understand you, Bella. Just go straight to the poi--"

"Bakit 'di n'yo po sinabi sa amin na may relasyon pala kayo ng kapatid ko." Mukhang nagulat yata si Sir sa dire-diretso kong pagtatanong dahil bigla na lang siyang nabato sa kinauupuan nya. He didn't move even an inch upon hearing those words from me.

Namayapa ang nakakabinging katahimikan sa paligid. Wala ni isang nagtangkang magsalita sa takot na may masabi kaming hindi dapat.

"Relasyon? Hindi ko alam ang sinasabi mo Bella. I barely know your sister. Isang taon ko lang siyang naging estudyante kaya malabo iyang pinagsasabi mo, " pagdedepensa niya. Pero kahit itanggi niya pa ito nang itanggi, malakas ang ebidensyang hawak ko na nagpapatunay na may relasyon sila ng kapatid ko.

"Kung gano'n ano po ang ginagawa ninyo sa larawang ito?" Nilapag ko ang larawang binigay sa akin ni Vee kahapon. There's no need for him to lie anymore.

"Pa-paano mo ito n-nakuha?" Unti-unting namumuo ang mga butil ng pawis sa kanyang noo habang nanginginig na kinuha ang litrato.

"Hindi na po iyon mahalaga, ang tanong ko po... totoo bang may relasyon kayo ng kapatid ko?" Matapang akong humarap sa kanya. Gusto kong malaman niyang desperada na akong malaman ang lahat.

"I--"

"Sir, just please answer me truthfully."

"Look Bella...hindi ko rin ginustong itago ang relasyon namin, maniwala ka. Labag sa batas ang ginawa namin kaya kailangan namin iyong gawin." Kung gaoon totoo nga. Nagsimula nang pumatak ang luha sa kanyang mga mata pero hindi ako nagpatinag at muli na naman siyang binato ng isa pang katanungan.

"Tungkol po sa pagkawala niya, may alam po ba kayo roon?" Napayuko siya nang mabanggit ko ang mga salitang iyon.

"Sir, may alam po ba kayo sa nangyari sa kanya?" pag-uulit ko pero kagaya kanina imbis na sagutin ako ay nanatili lamang siyang tahimik. Isang buntong hininga lang ang natanggap ko mula sa kanya.

"Bella, please wag ka nang makialam sa mga ganitong bagay, masyadong mapanganib," finally he responded.

"Sir, please sagutin mo ako. May alam po ba kayo sa nangyari?" I can't help not to hide the desperation in my voice. Hindi tama na sila lang ang may alam sa mga nangyari habang ako parang mabaliw na sa kakaisip.

"Sorry,  but I need to go." Niligpit niya ang mga gamit sa mesa at pinasok ito sa kanyang bag.

"Sir! Please, sagutin niyo ang tanong ko." Mabilis niya akong iniwan sa loob ng classroom.

After Past (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon