Malinaw pa sa alaala ko ang araw na nakilala ko ang aking boyfriend.
Nagiisa akong kumakain sa Jolibee noon ng napansin kong may lalaking kanina pa tingin ng tingin sa akin.
Kinikilig naman ako kasi guapo at sa tuwing ngumingiti siya,lumalabas ang dimples niya at ang puti-puti at ganda-ganda ng ngipin niya. ♥
Ang awkward nga lang kasi bawat subo ko,dinidilaan niya ang kanyang kutsara na parang ice cream. Ng naubos ko na ang burger,nagflying kiss siya at kumikindat-kindat pa sa akin. Sa sobrang kilig,wala na akong ibang maisip kundi kainin yong spaghetti at sa sobrang kaba at lakaa ng tibok ng puso ko,nilamon ko ng mabilis ang spag.
Di rin nakayanan ng pogi,bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. At inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko...at..at....omg....tinignan niya ang lips ko...at omg..hahalikan niya ba ako?
Napapikit na lang ang aking mga mata at hinintay ang halik ng tunay na pag-ibig!
1.
2.
3.
Tapos may malambot na dumampi sa aking labi.
Hindi lips ni prince charming.
Kundi,tissue! Tissue lang pala ar pinunasan ang sauce sa aking mukha.
Tapod,umupo siya. Umupo na siya sa aking table.
Walang nagsalita sa aming dalawa.
Ang mga mata lang namin ang nag-uusap.
Ito ba ang tinatawag nilang true love? Yung automatic at mga puso niyo lang ang naguusap. Isang tingin,isang ngiti,isang tawa,alam na forevee na kaming magkakasama at di kami mabubuhay kung wala ang isat-isa.
Ganito,ganito ang nararamdaman ko.
Ubos ko na ang pagkain ko. Ubos niya na rin ang pagkain niya.
So ano na?
Namumula na ako sa kilig nang bigla niyang hinawakan an aking mga kamay..at at hinalikan . . .tapos
Sabay sabing, "Hiiiiiiii...miss beautifulllll. Na love at first sight ako sa iyoooo(^3^) "
Holy sh*t.
Hindi ko inaasahan ang tindi ng kanyang superpowers.
Pinagsamang imbornal,nabubulok na bangkay, at isang palanggana ng maitim na tubig canal ...amg baho...ang baho ng kanyang hininga.
Para bang lumabas si kamatayan sa kanyan hininga.
Para siyang NTSB o No Tooth Brush Since Birth.
Pero
Ang aking pagibig ay higit na nangingibabaw. Kahit may kanin at may karne pa ng fried chicken sa kanyang ngipin ay hinikan ko parin siya.
Isang halik na di ko malilimutan hanggang kamatayan.
Di ako makapaniwala na ako ay buhay pa. Mapait ang kanyang laway at amoy impyerno ang kanyang bibig.
Bad breath,bad breath,bad breath.
Pagkatapos ng aming true loves kiss ay may tinanong siya sa akin,
"So tayo na?"
"Hmmmpppp"
At bigla akong napatakip sa aking ilong,di ko na kaya ang baho!!!! Kaya pilit kong magsalita habang nakatakip ang ilong.
"Awo oh."
"Ano sabey mohhhh?" Tanong niya at naging polluted na naman ang hangin at tinakpan ko ulit amg ilong ko. Di ba niya naiintindihan na sabi ko ,
"Aw-Oh-oh" Ayoko! Ayoko! Ayoko!