*click* *click*
"Kuya Robert?"
"Ssh. wag kang maingay Rizza."
*click* *click*
I love photography. Every shot is precious. I have to steal every moment-- every moment seeing her. I'm Robert Villanueva. All I can say to myself is--- TAO po ako. I have no friends. I'm a loner, a loser.
Makita ko lang siya, solve na ako. Kahit hindi na ako umorder pa dito sa Jollibee, ok na ako kasi nakita ko na sya at napicturan ko na sya. I like her. Hindi ko alam kung bakit pero, MAHAL ko na talaga sya. She's the most popular girl in school. Not because, she's the most intelligent girl in our campus, but she's a CAMPUS QUEEN. Lahat nng lalaki nagkakandarapa para lang makuha sya. I admit, isa ako sa mga nagkakagusto sakanya pero hindi ko sya kayang lapitan. Hanggang tingin lang ako. She's Alyssa Mercado.
"Hi Alyssa."
"Hi."
Sino naman kaya ang lalaking 'to? Siguro isa na naman sya sa mga boyriend ni Alyssa? Oh, well, Alyssa is a bad girl. Timer, some calls her BITCH. Kung tutuusin maraming rason para maturn-off ako sakanya pero hindi eh.. Grabe na 'tong nararamdaman ko. Masyado akong malayo sakanya. She's popular, I'm not. She's beautiful, I'm not handsome. Basta hindi kami bagay. Masyado syang mataas kumpara sakin.
Umuwi na kami ng kapatid ko after nyang maubos yung inorder namin. Tiningnan ko yung dslr ko, beautiful, so beautiful. wala akong pake kung ma-memory full ang mga memory cards ko ng pictures nya. I love her. So much..
*click* *click*
Paparating na sya... papalapit sya sakin... Agad kong tinago yung camera ko at sinubuan yung little sister ko..
"Rob, paupo ako please?"
O____O Ano d-daw? Makiki-upo sya? Makiki-upo si Alyssa?
"Rob, please? Please? Oh God!"
Tumango na lang ako at tahimik na kumain.. Nanlalamig ang kamay ko. pinagpapawisan ako kahit sobrang lamig dito sa Jollibee.
Nagulat ako nung bigla nyang hinablot yung dslr ko. Kinuha nya! Hala! Yung mga pictures nya andun!!
"Pahiram!" namumutla nyang sabi..
"Wag ano---"
"Sino nakakita sainyo kay Alyssa Mercado??!!"
Tanong ng isang lalaki. Medyo matanda na sya at may kasamang binata.
Tiningnan ko si Alyssa at umiling sya and gave me a 'wag-mo-akong-ituro' look.
Yumuko na lang ako at sumubo ng fries..
"Nasa'n na yung babaeng nambasted sa anak ko?!"
"Pa, tara na po."
Di nagtagal, umalis na din yung naghahanap kay Alyssa.
Nakita kong inalis na ni Alyssa yung camera sa mukha nya.. Namutla ako. Shete! Nakita nya..
"Kuya, kilala mo na pala sya, bakit kailangan mo pa syang picturan?"
O___O Waaaah! Pahamak tong kapatid ko. >////<
*Gulp*
Sinubuan sya ng fries ni Alyssa.
"Ang cute mo! ^__^"
Tapos kinurot nya yung pisngi ng kapatid ko at tumingin sakin.
"Lagi ba kayong kumakain dito?"
"Ah--o--"
"Opo. kasi po lagi ka nyang pinicturan."
"Rizza." >___< ano ba yan! Buti pa 'tong kapatid ko ang lakas ng loob.
"Heehee. Sorry pala kanina ah? Nagalit kasi yung tatay nung binasted kong lalaki."
"Ahh. B--ba't mo binasted?" alangan kong tanong.. grabe, pwede na siguro akong magtayo ng water refilling station gamit ang kamay ko! Grabe na yung pawis ehh..
"Kasi.. ano... Ayoko sakanya.. kasi uhmm... may tanong ako."
O___O hala! Patay!
"A--ano?"
"Hanggang tingin ka na lang ba?"
"H--Ha?"
"Hanggang picture-picture ka na lang ba?"
"Alyssa, anong---"
"Kailan mo ba ako liligawan?"
*Silence*
"Alam mo Robert Villanueva, nakakapagod kayang mambasted ng mga lalaki.."
Hindi pa rin ako nagsasalita.. Andaming pumapasok sa isip ko pero di ko masabi...
"Ang hirap din magpabalik-balik dito sa Jollibee para makita ka lang."
"H--Ha?"
"Ha lang ba kaya mong masabi? Alam mo bang antagal kong hinintay na pansinin mo ako dito? Lagi akong pumupunta dito kasi andito ka. Alam ko din na pinipicturan mo ako.."
"Alyssa..."
"Liligawan mo ba ako o hindi? Ang hirap kayang mambasted! Ayokong magpaligaw sakanila kasi... kasi ikaw ang gusto ko.. at, ikaw ang mahal ko.. Nagawa kong maging playgirl para magpapansin sayo." yumuko sya at tumayo na para umalis..
I remained silent, immobile. tama ba yung narinig ko?
"Nga pala, oh..."
tapos nilapag nya sa mesa ang --- STOLEN SHOTS KO?!
Paanong---
"High school pa lang, gustong-gusto na kita.."
tapos naglakad na sya paalis.
Tumayo ako at sinundan sya sa labas..
"Alyssa wait lang."
Nakayuko pa rin sya..
"Alyssa Mercado, mahal kita. at saksi sya."
Tinuro ko yung statue ni Jollibee.
"Kung ganun, witness natin si Jollibee sa pagmamahalan natin. Mahal din kita Rob."
***12 years after***
"Sa Jollibee, bida ang saya.."
Hays.. nakaktuwa naman 'tong bunso namin.. andito kami ngayon ni Alyssa sa Jollibee. Kasama ang anak namin.
"Hon, order na tayo. guto na ako eh.. baka mamaya pa dumating si Amethyst."
"Ok hon." tatayo na sana ako nang biglang may tumayo sa harap ko.
"Dad, Mom, si RJ po, boyfriend ko."
Tinignan ko ang asawa ko at nakatingin di sya sakin. I smiled then she smiled.
"Another JOLLIBEE STORY." I said.
