How Can I Say That I Love You? [One-Shot]

396 22 47
                                    

May isang babaeng nagngangalang Janine, siya'y maganda, mabait at mapagmahal na tao. Mahilig siyang bumisita sa iba't ibang charity. Isang araw, may pinuntahan silang isang charity, pero hindi niya alam nung una kung ano ang mga sakit ng mga taong nandoon.

Pagkarating sa lugar ay humiwalay muna si Janine sa kanyang mga kasama at sinubukang maghanap ng restroom.

"Excuse me.. san dito yung restroom?" tanong niya sa isang lalaki. Pero imbis na sumagot ito ay tinignan niya lang si Janine at umalis.

"Aba! Isnabero yun ah! Pshh." sa badtrip ni Janine ay bumalik na lang siya sa loob at doon nagtanong sa mga taong nandoon.

Masaya ang mga batang nakipaglaro sa mga kasamahan ni Janine, namigay sila ng mga pagkain at ng mga laruan sa mga batang nandoon. Tuwang-tuwa naman ang mga bata. Ang chariting yun ay para sa mga batang hindi nakakapagsalita. 

Tinuruan din ng mga taong nangangalaga sa mga bata ang grupo ni Janine ng kakaunting sign language na madalas na ginagamit ng mga batang nandoon kagaya ng "Thank you.." "I love you." at marami pang iba. 

Sa kalagitnaan ng kanilang program ay napansin ni Janine ang isang lalaki sa sulok. Nagkatinginan sila nung lalaking iyon pero umiwas ng tingin yung lalaki at lumabas ito. Namumukhaan ni Janine na ung lalaking yun ay yung lalaking pinagtanungan niya kanina. 

Sinubukan niyang habulin ito..

"Uyy! Sandali lang!" sigaw ni Janine palabas ng pintuan.

Pero pagkalabas niya ay wala ni anino man ng lalaking kanyang hinahanap. Tila namang may nakapansin sa kanyang isang madre..

 "Iha, sinong hinahanap mo?" mahinhing pagtatanong ng madre kay Janine.

"Ahmm. Wala po.. Tara na po sa loob?" pag-aaya niya sa madre.

Nababahala parin si Janine kung nasan na ang misteryosong lalaking nakita niya. Patapos na ang program at onti na lang ang oras ni Janine para makilala kung sino yung lalaki.

"Mia.. saglit lang ha? Maglilibot muna ako." paalam ni Janine sa kanyang kasamahan.

Pumunta si Janine sa playground at nagbabakasakaling nadoon si misteryosong lalaki pero sa pangalawang pagkakataon ay bigo nanaman siyang makita ito.

Umupo siya sa swing at nagmuni-muni. Sa hindi kalayuan ay may nakita siyang lalaking nakaupo pero nakatlikod sa kanya. Sa pagkakataong ito sinigurado niyang ito na yung lalaking hinahanap niya.

Janine's POV

"Hi~" sabi ko sa kanya.

Pero katulad ng dati, wala akong sagot na nakuha galing sa kanya.. 

=________=

Umalis siya at iniwan akong nagiisa pero bago pa siya makalayo ay nagsalita ulit ako..

"Bingi ka ba o sadyang pipi ka lang?!" sigaw ko sa kanya dahil pang-ilang beses ko na siyang kinakausap pero hindi parin siya sumasagot sakin.

Napansin kong napatigil siya sa paglalakad pero nagpatuloy din matapos ang ilang saglit.

Agad naman akong pinuntahan ni Sister Stella. Napansin niya siguro ang pagsigaw ko dun sa lalaki.

"Ahhmm. Ms. Ocampo, pagpasensyahan niyo na po si Steven kung ganon ang inasal niya." nakayukong sabi naman nung madre.

"Naku. Bakit po kayo ang humihingi ng tawad kung ung lalaki namang yun ang may kasalanan. Isnabero kaya siya! Di man lang nagsasalita, siguro panis na ang laway non ano?" sabi ko sabay tawa ng bahagya. Napansin ko naman na napatigil si Sister sa sinabi ko.

How Can I Say That I Love You? [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon