Kyle's Story
"Ano na? G lang sa make-up?" ngiti sa akin ng kaibigan kong si Reinna na hindi ko naman alam kung ikakasama ng loob ko dahil ayan na naman siya sa request niya na magpa-make-up.
It's not that I want to turn her down. It's just very shocking for me and kind of nostalgic. I leaned on the couch habang tinitignan siyang naka-upo sa opposite side ko.
"Shit, Reinna. It's been how many years pero 'di mo pa rin alam kung ano 'yung difference between an artist and a make up artist. How disappointing." umiling-iling ako para naman inisin siya.
True, it has been 4 or... 5? 5 years na yata kaming hindi nagkikita. Malamang kasi ako... busy ako sa trabaho ko as a graphic designer, painter, digital artist and a free lance artist pero, hindi ibig sabihin n'on ay magaling na akong mag-ayos ng mga mukha gamit ang make up. I can tell that she's gotten brighter and I guess she gained a few weights, but she's still the same. We've been contacting each other for 3 years, simply updating each other and all, then after naming maging super busy, nawalan na kami ng contact sa isa't-isa. Seeing her now makes me want to go down the memory lane.
"So, it's a yes?" tanong niya sa akin habang nakataas pa ang kaniyang mga kilay at suot ang kaniyang nakakalokong ngiti. Inirapan ko lang siya at pilit na tinago ang aking mga ngiti. Pilyo talaga siya kahit pa nung Senior High School kami; kung saan kami nagkakilala.
Nag-iba ang sigla ng ngiti niya nang matapos kaming magkatitigan. Siguro, ganoon talaga kapag matagal mo nang hindi nakikita 'yung isang tao na minsan ay nagkaroon ng malaking parte sa buhay mo.
"Good. I'll take that as a yes. Text ko na lang 'yung info sa 'yo pati 'yung address ko. I'll see ya!"
She hopped off, turned away and opened the door, seeing the bright sunny day, finally bidding her good bye. But, something is bothering me.
"Wait!" sigaw ko sa kaniya at siya namang pag-tigil niya. "How rude of you? Hindi mo man lang kinain 'yung hinanda ko!" talak ko habang naglalakad papunta sa kaniya.
"Naks. Sa susunod ko na lang uubusin 'yan." she said with a chuckle habang papunta na sa kotse niya.
"Kailan pa ang susunod? Next year? Sa kasal ko? Sa burol ko? Kailan, Rein?" habol ko sa kaniya. Hindi ko na kaya pang pigilan 'yung mga luha ko. Matagal ko na kasing tinatago, eh. Hindi na pwede 'yung ganito lang.
She turned to look at me. I can see that she's hurt, too. Pero, matagal nang nabura sa kaniya kung ano man ang meron kami.
"Don't be so dramatic, Ky. I'll see you when I see you." sabi niya habang tuluyan nang nakasakay at nag-drive paalis sa tapat ng sarili kong bahay.
Matapos ang pangyayaring iyon, pumunta na ako sa address at siya ang bumati sa akin sa gate ng bahay nila. Birthday niya, so... maybe this is a big celebration? So, I gave her a simple gift wrapped in a yellow glossy gift wrap with a red bow on.
"Happy Birthday!" I greeted and she hugged me.
"Aww, thank you! Akala ko hindi mo na maaalala." she said and released her hug.
"How could I even forget?" I chuckled and handed her my gift.
I was lead to her garden, then to her living room, the stairs, and to her room. The house isn't big pero okay na 'yun for her or even a small family. And as I enter her room, she quickly handed me the make-up kit.
"Pinaghandaan mo talaga 'to no?" I said, gloom flushed my face.
"Of course. It's important. May mga tao na dadalo." she said.
BINABASA MO ANG
Make up (One Shot)
Romance"Kyle pwedeng pa-make up?" "Ha? Sa akin?" "Oo, gurl, kaya mo 'yan." "Gaga, artist lang ako 'di make-up artist." "Kahit na. Isipin mo lang na canvas ako." "Fine. Kapag ikaw naging kamukha mo si Mona Lisa, 'wag mo akong sisihin, ah?" "Psh! Maganda na...