College Life?! Patay na ang Enjoyment.

265 4 1
                                    

"Gaano kahalaga ang ballpen ika nga nila?

Imaginin mo kung wala kang ballpen.

Kung wala kang Ballpen, walang Notes.

Kung walang Notes, walang Alam.

Kung walang Alam, Walang maisasagot sa test.

Kung walang maisasagot sa test, Di ka maggagraduate.

Kung Di ka maggagraduate, wala kang Diploma.

Kung wala kang Diploma, walang Trabaho.

Kung walang Trabaho, walang Pera.

Kung walang Pera, walang Bahay at Pagkain.

Kung walang Bahay at Pagkain, magiging Malnourish.

Kung magiging Malnourish, Magkakasakit.

Kung Magkakasakit, Mamatay ka.

Ganyan Kahalaga ang ballpen. Lalo na ung mga Black ink kung reach na sa heaven ang kaartihan ng mga magaganda, gwapo, pangit, bata, matanda or mga bakla nyong mga instructors na tinatawag nating PROFFESSORS."

Define College life. For me, Killer of FUN. Jusko ang layo nga ng pinagbago ng college sa high school sabi nga ng iba.

Bigay ko muna ang mga katangian ng high school life ng mga kabataan natin ngayon. Chill chill ka lang. Palibot libot ka kahit saan na kahit may assignments, quiz, or activity sa susunod na araw. Daming exemptives pag high school. Mas maganda dun, nageextend pa ung mga exemptives mo. Hahaha High School banaman. Konti lang ung mga ndi nakakapaggraduate ng high school. Well, that's good to hear. Yung mga titser nyo, binobola nyo, nagiging nanay or tatay nyo na rin, mga paulit ulit na pagkain sa canteen, at iba pa. pero ung pinakapaborito ng mga bata sa high school, ung mga rules and regulations ng school. odiba? sa sobrang strikto ng mga rules and regulations, konting galaw, disrespect. konting hawak lang sa kamay ng labidabs mo, PDA. Nagcutting ka kasi di mo feel pumasok, Repremand and Humihingi ng signature sa parents na parang nagpapaautograph sa mga artista. Ganyan kagagaling ang mga High schools ngayon. Pero look at the bright side. Disipline. Malalaman mo rin dun ang mga tama at mali mo. Kahit na kumekeme ka lang sa isang tabi o kaya lalo na lalake ang kumekeme, alam mo na kung tama o mali nun.

College, Mr. independence. Idescuss ko muna sainyo ang mga magagandang katangian ng College life. Yun nga, padorm dorm ka nalang, payosi yosi, pacutting cutting, sa sobrang dami ng activities ndi na nakakapagdescuss ang prof, 15 mins wala si prof, LABASAN NA! DOTA DOTA NA YAN. magpahaba ka ng buhok na kasing haba ng kay Rapunzel sa mga lalake, maraming baon, di paulit ulit ang mga pagkain. In short, madalang nalang sa mga universities ang may rules and regulations. Eto na!!! Tatakutin ko na kayo ngayon palang! Boo! Konti lang mga exemptives, FA (Failure due to Absences) kung solid ka naman sa pagiging absent (kaya dapat sobrang valid ng reason mo), Mababarkada ka, irregular classes pag bagsak ka sa isang subject kahit minor, ang mga test ni sir and ma'am na pangproffessionals na ang dating, na parang nagdoctrate degree kana, sa sobrang dami ng activities, ung mga ndi nadescuss ni ma'am or sir, ilalagay parin sa exams nyo or in short, self study mga tsong! And the most problem of college students, IBANG IBA SA SISTEMA NG GRADES NG COLLEGE TSKA HIGH SCHOOL!!! Sabi ng mga 3rd year samin, chill chill lang daw pag 1st and 2nd yir 1st semester. Pag 2nd yir 2nd sem to 4th yir 2nd sem, MAKE THE MOST OUT OF IT! WTF PANO PA KAMI MAKAKAPAGCHILL KUNG UNG NANGYARI NA SAMIN, IS FA? O KAYA BAGSAK? Edi magiireg kami ng subject?

Hahaha jan nagkakamali ang mga freshmen. Yung problema sainyo, di porke free will kayo sa college doesn't mean na papasa kayo. Tandaan ninyo to. College life, hindi siya Bird Course. Sir Khabz ano po ba ang ibig sabihin nang bird course?  Sa mga ndi po nakakaalam. Bird Course ay isang process ng pagaaral, na ang gagawin nyo lang, is just attend class and do nothing. Ung parang lilipad ka lang and dinadaanan mo lang or in short, wala lang. Pinapabayaan mo lang ang pagaaral mo, pero pumapasa ka parin. Sana nga ganun ung mga eskwelahan ngayon noh. Hahaha ako rin naisip ko rin yan. Sana ganyan ang college. Kaso hindi ehh. Paano ka matututo kung Bird Course lang ang university or high school? Paano ka sa trabaho pag bird course lang. Papasok ka lang ng trabaho pero di mo man alam ginagawa mo, YOU'RE FIRED!  MalaRico Yan ang Ending at ikaw ay magfaflyaway palayo kay Papabossing. Dedz. Wala kanang trabaho cuz you screwed it all up because you dont even listen to your proffessor. Thats why you can say that College life may be the killer of enjoyment. Putek nosebleed ako dun hah. xD hahaha hayaan nyo na. Tsaka may kulang kapa ehh. Hindi mo nilagay sa kokote mo ang natutunan mo nung high school. YUNG TAMA O MALI BA UNG GINAGAWA MO.

Aking mga Kababata jan na nagbabasa nito, sinesermonan ko na kayo ngayon palang na kahit feeling mo ay bird course ang college, hindi Struggle is the key. Sa mga upcoming freshmen, Advance Congratulations sainyo. Masaya ako sainyo. Tandaan nyo lang pag Magcocollege na kayo, dalhin nyo sa mga kokots nyo ang mga tinuro sainyo ng mga titsers nyo. Tsaka ung mga rules and regulations, kung tama o mali ung ginagawa nyo, itago nyo yan sa puso nyo kasi magagamit nyo yan hanggang pagkamatay nyo. Yung title na sinulat ko, Kaya nakasulat patay na ang enjoyment kasi ang nakasulat dapat jan ay "BALANSIHIN ANG ENJOYMENT"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

College Life?! Patay na ang Enjoyment.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon