3 years

143 1 1
                                    

September 22, 2012

3 years na pla ang nakalipas

nasira ang isang pag iibigan na matagal iningatan at pinahalagahan..

/flashback/

"kisha's POV"

"Hello kisha may sasabihin ako sa'yo"-Si Grey nasa kabilang linya,.friend ko.

Di ko alam kung anong nararamdaman ko.Bakit parang kinakabahan ako sa kung ano mang sasabihin nya.

"Magkikita sila ngayon sa isang mall at gusto ko pumunta ka para makita mo!"

"Ha?Ano?Sino ang magkikita?Hindi kita maintindihan Grey!Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Hindi ko na kayang itago pa!Ayokong lokohin ka pa nila. Si Jake!Si Jake at Lia may relasyon! At magkikita sila sa isang mall mamaya!"

Para kong sinakluban ng langit at lupa!Natulala ako sa narinig ko.

Si Jake na mahigit dalawang taon kong kasintahan, may relasyon sa EX Girlfriend ng BARKADA ko!?

"Imposible yang sinasabi mo Grey!Mahal na mahal ako ni Jake!Di ako lolokohin nun!"

"Ano ka ba Kisha maniwala ka sakin! Diba lagi kitang tinatanong kung kumusta na kayo ni Jake?

Lagi mong sinasabi na ok naman kayo!Akala ko gets mo na!

Ayaw kong lokohin ka pa nila!Friend mo ko kaya sinasabi ko sayo ang totoo!

Magkikita sila mamaya, gusto ko pumunta ka para makita mismo ng mga mata mo ang totoo!Matagal ka na nyang niloloko!

Lagi silang nagkikita at dun natulog nung Sabado si Lia sa boarding house nya!

Maniwala ka sa'ken Kisha!"

Ang sakit!Hindi kayang tanggapin ng isip ko!At lalong lalo na ng puso ko!

Gusto kong umiyak at sumigaw para mawala yung sakit.Gumawa ako ng paraan para makuha number ni Lia.

Calling Lia...

Calling Lia...

Kinacancel nya ang tawag ko.

1 message receive

"nanakawan kami"

-jake

"Punta ko dyan"

message sent

Kung pwede lang paliparin ang sinasakyan ko ginawa ko na!

Halo halo ang nararamdaman ko!Natatakot akong malaman kung ano ang totoo.O kung totoo nga ba ang mga sinabi ni Grey.

Isipin ko pa lang parang magugunaw na ang mundo ko!

Mahal na mahal ko si Jake!mahal na mahal!

At di ko kakayanin kung totoo nga ang relasyon nila ni Lia.

Di ko kaya.

Maling Panahon at PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon