2

10 3 0
                                    

"Ang dami kong works na due ha, John." Sabi ko pagkadating ng gymnasium tapos nilapag yung manual ko ng Clinical Chemistry sa table niya.

"Sorry!! Umuwi kasi ng province si Liza. Kelangan lang ng isang university council na magbabantay sa kanila." Sabi ni John tapos tumayo at nagsakbit ng bag.

"You owe me one ha." Sabi ko.

"Si Liza na magaasikaso ng lahat ng certificates. May meeting lang ako dun sa tumatahi ng jerseys." Sabi niya.

Ngumiti nalang ako tapos nag-wave habang umaalis siya.

We're 3 weeks away sa intrams and kinakabahan na kami kaya chill padin kami though may part parin samin na kinakabahan and ineexcite. And today, andito kami ngayon sa gym kasama yung most of the students na nag-sign up. Meron kasing photoshoot ng mga players and all. Para sa invitations and syempre some photographs to keep.

Umupo muna ako sa table at binuksan yung manual ko. Wala akong klase dahil kakatapos lang ng midterms. Kelangan ko lang tapusin yung manuals ko para maipasa ko na. Pasahan na ng grading next week and kelangan na nung prof kong mag-check. Sadly, ilang experiments palang ang may sagot sakin since nagsimula ang sem. John called me kasi kelangan daw ng magbabantay na council. I agreed kasi kaya ko namang tapusin nalang yung pagsasagot ko ng manual dito at magbabantay lang naman ang gagawin. Dylan is here by the way, and siya yung photographer. So anything else, wala naman akong maiitulong sakanya dahil kaya naman niya yun at wala naman akong alam tungkol sa photography.

"Tapos na yung midterms pero nag-aaral ka padin?" Tanong ni Dylan habang nagpapalit ng lens sa tabi ko.

Nag-stretch ako ng leeg, "Tinatapos ko lang yung laboratory manual ko. Hindi ako ganun kasipag para sagutan siya after experiments." Sabi ko. "Okay ka lang?" Tanong ko tapos tumingin sakanya. As a chairperson parang wala naman akong naiitulong sakanya.

He nodded, "Ikaw? Ba't parang di ka okay?" Tanong niya.

Napakamot ako ng ulo gamit yung ballpen ko, "Nakakastress bakit may math sa course ko." Sabi ko. Andito ako ngayon sa chapter na puro computation. Ang tanda ko naman laboratory procedure ang ginawa namin that time? Pero bakit may math dito?

Natawa lang siya, "Kaya mo yan." Sabi niya tapos bumalik ulit sa work niya.

Ewan, mangongopya nalang ako sa mga kaklase ko. Meron naman siguro sa kanila na may sagot dito. I mean bakit kelangan may computation sa medical laboratory science? Kaya nga hindi ako nag accountancy kasi ayoko mag-compute at lalong hindi ako nag engineering kasi ayaw ko ng complicated na equations.

Wait.

Napatigil ako ng bigla akong may maalala.

Napatingin ako kay Dylan. Hmm, isang engineering student na may straight uno, perfect.

Tinalunan ko nalang yung mga questions na may mga math at sinagutan ko nalang yung mga tanong na walang computation dahil nakaisip ako ng plano.

Plan A: Ask Dylan to answer all the math problems.

Plan B: Mangopya.

Ng matapos akong magsagot, sinarado ko na yung libro ko at nag-stretch. Piece of advice, magsagot ng manuals exactly after experiments. And another piece of advice, ang medical laboratory science ay hindi lang pagsagot ng mga tanong tungkol sa dugo or what. Kelangan mo ding mag-drawing at mag-compute.

"Dylan okay ka lang jan?" Tanong ko pagkalapit ko sakanya.

Ngumiti siya tapos nag-nod, "Patapos na din naman. Last department na." Sabi niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to LoveWhere stories live. Discover now