Nasa mall kami ngayon ni Kristina dahil napagpasyahan niyang magshopping. Day off ko rin ngayon sa work kaya pumayag akong samahan siya. Naka jeans at crop top lang ako ngayon. Pumasok kami sa isang boutique.
"Omg this dress looks nice" pakita niya sakin, isa itong fitted yellow dress na sobrang ikli. I just nodded as a sign of approval. Agad niya naman itong binili. Nagtingin tingin naman ako sa bandang left and then something caught my attention. It's a red floral dress below the knee at medyo sexy ito sa likod. Gusto ko sanang bilhin pero hindi ko naman ata ito magagamit.
"Babe gutom ka na ba?" Agad na dating ni Kristina after niyang bayaran ang dress.
"Oo gutom na ako, sa Jollibee nalang tayo feel kong mag sundae" so we started walking. Ganto palagi yong ginagawa ko tuwing day off, gumagala kasama siya, matulog sa bahay or pumunta sa Negros since 2 days yong day off ko. Andoon sila mama at papa sa probinsya habang ako ay nandito sa Manila nagtatrabaho.
Pagdating namin sa Jollibee ay agad na nag order si Kristina. She ordered chicken with rice for lunch habang ako ay nagpa order ng chicken with 2 rice, extra large fries and sundae. Hindi naman ako halatang gutom eh noh? We are about to eat when Jaime came. Boyfriend niya. Bestfriend ng ex boyfriend ko.
"Hey mahal andito pala kayo, bat di ka nagsabi? Mabuti nalang at nakita ko kayo" Tanong naman ni Jaime sa kaibigan ko. Op na naman ako sa dalawang love birds. Ngumiti si Kristina sa kanya.
"Si Darlyn kasi mahal nagyayang gumala so di na ako nakapagpaalam" pacute nitong sabi. Ako pa talaga dinahilan. Agad namang umupo si Jaime sa tabi ni Kristina, niyaya namin siyang kumain pero tapos na raw siya. I just continued eating ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Syempre maririnig ko pa rin naman kasi nasa iisang table lang naman kami.
"May party bukas sa mansion nila Jairo, maybe you can come, isama mo si Darlyn. Invited kayong dalawa." sambit ni Jaime, after ng break up ay hindi na kami nagkita, siguro marami na ang nagbago sa kanya. He broke up with me dahil napagod na siya kakaintindi sa akin. Pero kung mahal mo talaga ang isang tao kahit mapagod ka pa hinding hindi mo siya iiwan. Yan ang itinuro ni papa sa akin. Alam kong may mali rin ako hindi naging maganda ang takbo ng relasyon namin, hindi mawawala yong selos at duda pero still masaya akong nakilala ko siya.
"Kung gustong sumama ni Darlyn sasama ako pero kung hindi then we will not go" asik naman ni Kristina. Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yon.
"No babe, pupunta man ako o hindi you should go" tumango naman si Jaime. Naging kaibigan din ni Kristina si Jairo dahil noon usually kaming apat ang palaging magkasama.
"But babe you should also come. Kahit wala na kayo ay naging mag kaibigan din naman kayo." tama nga siya, Jairo was not just my boyfriend but he also became my best friend, he was always there for me. He was my one great love.
"I'll think of it babe" tumango silang dalawa pero halata sa mukha ni Kristina na naging malungkot siya sa sinabi ko.
"Matagal na rin kayong hindi nagkita, baka ito na yong time na magtagpo kayo ulit" dagdag naman ni Jaime. Baka nga, baka nga ito na yong time na makita ko siya ulit. 4 fucking years, kamusta na kaya siya? Should I consider the invitation? Hmm I think I should buy the red floral dress.