Mabuti nalang at day off ko pa ngayon. Pumayag ako na pumunta sa party niya mamaya. Hindi ko alam kung ano yong magiging reaction ko or niya if magkita kami. Kakarating ko lang din pala galing mall dahil binili ko yong dress na nakita ko sa boutique kahapon.
Maaga pa naman kaya naisipan ko munang tawagan sila mama at kamustahin.
"Ma? Kamusta na kayo dyan ni papa?" Matagal tagal na rin akong hindi nakakauwi. Busy kasi ako these past few days kasi gustong gusto kong makuha yong promotion and I'm glad cause I succeeded.
"Okay lang kami rito ng papa mo, ikaw dyan? Congratulations nga pala anak. Napromote ka na talaga" sabi naman ni mama sa kabilang linya. Siguro this time I had make my parents proud na. Gusto ko kasing laging may naa'achieve para naman masuklian ko lahat ng paghihirap nila. Even if noon palagi kaming hindi nagkakaintindihan.
"Thank you ma. Oh sigi na ma, magpapahinga muna ako. Papadalhan ko nalang kayo bukas." Nagbabye na ako sa kanya. After the call ended naisipan ko munang matulog.
-----------
"OhmyG babe! You should dye your hair para naman may pagbabago talaga pag nagkita kayo" Excited na sabi ni Kristina. Siguro mga 1 hour lang yong tulog ko kasi yong lola niyo nagpunta rito at ginulo ang pagpapahinga ko."Ano ba babe! Ayoko ngang magpaganda sa kanya. Isa pa aattend lang tayo sa party hindi naman ako ikakasal or what!" Antok kong sabi. Tumayo siya at nameywang.
"No! Dapat maganda ka, dapat maglaway siya, dapat magsisi siyang iniwan ka niya! Tayo na't tumungo sa salon" Sabi nito sabay hila sa akin. Kailangan pa ba to? I mean matagal na yon, napatawad ko na siya sa pang iiwan sa akin. We've been together for 2 years. I admit mahirap siyang kalimutan pero nakalimutan ko naman na ang nangyari. I am happy with my life now and I know siya rin. Pero dahil mapilit si Kristina ay hindi na ako nakapag ayaw.
Pagkadating namin sa salon ay agad niyang tinawag si Agustin. Ang kaibigan naming bakla na nagtatrabaho dito or should I say ang may ari ng salon na ito.
"Agustin I want her hair hmm brown not literally brown siguro ash brown ganern" natawa nalang ako sa asta ng kaibigan ko. Nagnod si Agustin.
"Para saan itong pagpapaganda te?" Tanong niya habang nagsisimula ng mag mix ng pangkulay. Si Kristina naman ay naupo at nagpa pedicure and manicure.
"Para kay Jairo yan te!" Tuwang sabi niya. Halata naman na nagulat si Agustin. Lumaki talaga yong mata eh. Baklang to!
"Totooh?! Magkakabalikan na kayoh?!" Arte niyang sabi. Alam ni Agustin ang tungkol samin ni Jairo kasi kaibigan nga namin ang baklang ito. Nagnod nod naman si Kristina na tuwang tuwa pa.
"Hindi kami magkakabalikan!" I corrected. Sinundot lang ako sa tagiliran ni Agustin. Di pa naniwala ang bakla. So ayun tahimik lang kami habang nagkukulay si Agustin, mamamatay na naman buhok ko nito dahil sa kulay. Meron akong kulot na buhok and its natural. Hindi ito buhaghag baka kasi iniisip niyo na parang sabog yong buhok ko, hindi okay? At hanggang siko yong haba.
Mga hapon na rin natapos yong pagkukulay, ang tagal ha?! Pagkatapos ay nag manicure and pedicure na naman. Sumasakit na pwet ko kakaupo. Si Kristina naman nagpagupit ng buhok, mataas rin buhok niya at ngayon hanggang balikat nalang ang haba. Nang matapos na ang lahat lahat ay nagbayad na kami at nagpaalam. Nakagastos pa ako sa pangkulay, nagyaya ang iba ako pa ang pinabayad.
Pagdating namin sa bahay ay agad na nag ayos si Kristina. Yong yellow fitted dress ang sinuot niya with matching white sandals na may 2 inches ang haba. Yong akin naman is yong red floral dress na sobrang sexy sa likod with matching black sandals na 2 inches lang din ang haba. Light make up lang at bagsak ang buhok. Hindi ako nagtali, maganda pala ang kulay ng buhok ko. Worth it ang 2,000.
Mga 6:30 pm ay dumating si Jaime at sinundo kami. Jaime is a pilot, and Jairo? Hindi ko alam kasi nga hindi na kami nagkita pero for sure mayaman na yon, may mansion nga eh. Hindi rin kami mayamang apat noon. Pagsakay namin sa kotse ay napa wow si Jaime sa itsura naming dalawa. As if naman nagandahan talaga siya, baka sa girlfriend niya lang. Bitter much?
Nang makarating na kami sa Venue ay nakita ko kaagad kung gaano kalaki at kaganda ang mansion outside. Ano nalang kaya sa loob diba? Bumaba kaming kotse at nagsimula ng maglakad papasok sa mansion. Ngayon ko lang rin nalaman it's Bruce's birthday. Bunsong kapatid ni Jairo, lima kasi sila. Apat na lalaki isang babae. Kilala ako ng family niya dahil pinakilala niya ako sa kanila noon and ganoon din siya sa family ko.
The place is so breathtaking. Ang ganda ng chandelier and even the tables and designs, napaka mamahalin. Maraming tao, maraming kalevel na niya sa life. Ang iba naman ay mga kamag anak niya na nakilala ko rin noon. Ako lang ang babaeng nagtagal sa kanya. Nakakatakot magalit si Jairo pero may good side siya na sobrang gusto ko. Yon ay yong pagiging sweet and caring niya.
"Babe dito tayo" Sinundan ko lang sila Kristina hanggang sa makarating kami sa table namin. Nakita ko ulit ang mga kaibigan niya na naging kaibigan ko rin noon. Stay strong parin ang mag love birds na si Ace and Blessie, mga kaibigan namin. Agad silang nagsmile sa amin ng makita kami.
"Hey Darlyn, ang laki na ng pinagbago mo. Ngayon ka nalang namin ulit nakita. Buti at nakapunta ka ngayon, I'm sure Jairo would be happy to see you" ngiting sabi ni Blessie. Ngumiti ako sa kanila at niyakap silang dalawa ni Ace.
"Andito na pala siya eh" When Ace said that agad na tumibok ng mabilis ang puso ko. I don't know how to react. Hindi ko pa siya nakikita dahil nasa likod ko siya, rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako at lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Hey guys" Oh God! How I missed his voice so much. Boses niya pa lang yan pero iba na ang dating sa akin. He still have this effect on me.