So ito na. Nakaupo na siya sa tabi ko at kanina pa ako hindi mapakali. I felt so uncomfortable. Kanina nang magmeet ang mga mata namin, nakita ko na nagulat siya na nasa harapan niya ako. Ngumiti lang siya sa akin kanina, yong parang hindi ako naging parte sa buhay niya. Bat ganoon? Ako yong naiwan pero siya yong nagbago, dapat ako kasi ako yong nasaktan. He is too far from the Jairo I have known, malaki ang pinagbago niya. My Jairo was a chubby guy, handsome at moreno. Pero ngayon? My god I think 6 ata yong abs nito sa laki ng katawan niya, hindi naman yong katawan ng parang isang bouncer noh! Ang ew naman ata noon. Moreno pa rin siya pero mas gwapo na siya ngayon, parang nahiya naman ako sa sarili ko. Buhok lang ata yong nagbago sakin eh.
He's wearing a black tuxedo, pati pananamit niya nagbago. Pansin ko rin yong piercing sa right ear niya na mas lalong nagpalakas ng dating niya. Yong buhok niya hindi na rin gaya ng dati. I bet marami na itong naging girlfriend.
"So Mr. Regalado hows your business? Iba ka na talaga, hindi ka na mareach" asik ni Blessie, isang businessman si Jairo. Isa itong oil company, may ibat ibang branches ang business niya. Not just here in the Philippines but also in other country. So far meron na siyang 7 branches. Hindi na nga talaga siya mareach.
"It's good" tipid nitong sabi. Matagal tagal din pala ang 4 years. Marami kasing nagbago. Lumapit sa amin ang isang batang lalaking nakasuot ng prince charming na suit. Ang cute!
"Ang laki na pala ni Bruce" masayang sabi ko sabay kurot sa bata, last kita ko sa kanya ay karga karga pa siya ni Tita Jinky mom ni Jairo. Napatingin sa akin si Jairo kaya napunta ang tingin ko sa kanya. He is smiling. Ewan ko pero ng makita ko siyang nakangiti parang parang bumalik yong milyon milyong memories namin together.
Oh Darlyn! Tumigil ka. Matagal na kayong tapos. Inalis ko ang tingin sa kanya at inayos ang pag upo ko. I started playing the meat balls in my plate. Hindi na naman ako mapakali. Iba talaga pag siya.
"Anyway I'll go talk to my other visitors, I'll be right back" pagkatapos ay agad siyang umalis dala dala si Bruce. Napag isipan naman ni Ace at Blessie na sumayaw, umalis rin si Kristina at Jaime. Magpapahangin daw muna sila sa labas so I was left here all alone.
"Oh hey Ate. Ikaw ba yan?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Faith pala, kapatid niya. Ate pa rin tawag niya sakin hanggang ngayon.
"Oy Faith. Hindi kita narecognize agad ah. Ang ganda mo na" ngiting sabi ko sa kanya. Magandang babae si Faith at mas lalong gumanda siya ngayon.
"Thank you, ikaw nga rin ate eh. Wait bat mag isa ka lang? Nagkita na ba kayo ni Kuya?" She asked worriedly.
"Ah nagpahangin lang sila Kristina. Yes nagkita na kami ng Kuya mo" ngumiti siya sa naging sagot ko. Lumapit siya sakin lalo kaya tumayo ako. Nagulat ako ng yakapin niya ako.
"I'm happy to see you again. I hope masabi niya na sayo, sigi Ate I have to go" bago pa ako makapagtanong ay iniwan niya na ako. She left me confused. Si Jairo ba tinutukoy niyang may sasabihin sakin? Hinanap ng mga mata ko ang lalaking gusto kong makita.
There! I saw him talking with another girl. Yong ngiti niya, parang yong ngiti na lagi niyang binibigay sa akin pag ako na ang kausap niya.