"Manong, sa pinaka-malapit na mall po." sabi ko kay manong driver.
Naiyak pa din yung babae, wala akong magawa. Di ko talaga ma-gets ang mga tao dito, napaka-public naman ng mga buhay nila, di ba pwedeng mag-break up na parang normal na couple lang? Yung sila-sila lang? Kailangan ba talagang ipakita sa harap ng mga tao?
Malapit na kami sa mall nun, tsaka lang ako nagkalakas loob na magsalita.
"Miss, I'm Xavier. You probably don't know me since I just transfered to your school. and you're?" sabi ko, medyo kinakabahan kasi baka barahin ako, alam mo naman ang madalas nangyayari pag sumubok makipag-usap ang isang pangit na lalaki sa isang magandang babae.
"Katherine." sabi niya.
"Sir, andito na po tayo." sabi ni manong taxi driver.
"Okay." bumaba na kami tapos binayaran ko na yung taxi driver, syempre nilibre ko na siya. Oo, scholar ako. Pero di naman ibig sabihin nun, mahirap na talaga kami. Actually, medyo mayaman naman kami. Yung kapatid ko nga ang dami laging damit e.
"Tara sa loob?" tanong ko kay Katherine.
"Sige." mangiyak-ngiyak pa rin siya. Di ko naman siya masisisi, sino bang ngi-ngisi ngisi pa after ng break up niyo in public? Sa harap pa ng buong school.
Pag pasok namin dumiretso na kami sa isang arcade/gaming spot. First time niya ata dun kaya medyo nanibago siya sa ingay, syempre, sa mga private malls siya kadalasan since kilalang personalidad siya, e itong mall na to for public.
"What's this place?" tanong niya.
"This is a place to have fun and forget about your problems for a while. Trust me it'll be fun." sabi ko sa kanya. Sabay ngiti, labas ang brace kong galing sa prehistoric age.
Naglakad-lakad muna kami sa loob hanggang sa nakakita siya ng claw machine.
"Ang cute." sabi niya habang nakatingin dun sa stuffed toy sa loob ng claw machine.
"Gusto mo i-try kumuha?" tanong ko.
"Hindi ako marunong." sabi niya.
"Sige, ikukuha nalang kita." sabi ko, ang yabang ko pa ha.
Observation: Looks like this claw machine is rigged and only supports the right force needed to lift a stuffed toy every 50 turns. My calculation is that I'm gonna be the 49th try. Oo, nerd nga ako.
So after ng observation ko, naghulog na ko ng isang token, alam kong hindi gagana yun. So hinayaan ko lang.