Wag ka ng lumapit pa

52 4 0
                                    

Kung muli man tayong magkikita
May isa akong ipapakiusap sinta
Wag kana sanang lumapit pa
Manatili ka na lamang dumistansya.

Nakikiusap ako
Na kung sa muli nating pagtatagpo
Panindigan mo sana ang sinabi mo
Na ikaw na ang lalayo.

Sa ilang buwan na ating pinalampas
Inaamin ko'ng pag-ibig ko'y hindi parin kumukupas
At pilit parin akong kumakalas
Sa lungkot na dinulot ng ating pag-wawakas.

Nananatili parin sa aking isipan
Ang alala ng masayang nakaraan
Ito ang alala nating pinagsamahan
Na kahit kailan malabo ng mabalikan.

Minsan natagpuan ko ang aking sarili
Nakaupo sa isang tabi
Pinipigil ang bawat paghikbi
At pilit inaalala ang ating huling sandali.

Kaya sa muli nating pagkikita
Wag mo sanang sabihing "mahal pa kita"
Wag mo sanang iparamdam na may pag-asa pa
Kasi sa totoo lang nakakapagod na.

Wag ka na sanang lalapit pa
Panindigan mo sana yung sinabi mong "mahal, tama na!"
Wag ka na sanang lalapit pa
Pakiusap wag mo ng balakin pa, sinta.

Natatakot kasi ako na baka sa pag lapit mo
Bumigay muli sayo ang puso ko
Natatakot ako na baka di ko na makayanan pa ang muling paglisan mo
Palayo sa piling ko.

Kaya mahal, mas mabuti na to
Yung tanaw nalang nating pareho
Ang isa't isa mula sa malayo
Dahil hindi na tayo pwede pa, mahal ko.

Tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon