Sixteen

8.7K 291 13
                                    

PAGMULAT NG mata puro puti ang nakikita ko. Nakahinga ako ng maluwag, buhay pa pala ako. Akala ko talaga katapusan ko na kagabi. Naaalala ko pa kung paano kami nahulog sa bangin ni Domina---.

Muli akong napamulat ng maalala ko ang lalaking iyon. Nanlalaki ang mata ko na gusto kong tumayo para hanapin siya kaso hindi ko maigalaw ang katawan ko parang may nakadagan na mabibigat lalo na sa mga paa ko.

"Wag ka ngang malikot dyan bubwit"saway sakin ng isang tinig.

Gusto kong lumingon pero parang may pumipigil sakin.

"Dominador!"tawag ko sa lalaking kanina ko pa iniisip.

"Oh bakit may iba pa bang tumatawag sayong bubwit?"anito na parang galit.

Narinig kong bumukas at aumara ang pinto.

"Finally, gising na kayo"boses ni Andres.

Sunod noon unti-unti umaangat ang hinihigaan ko. Mali iyong bandang uluhan ko lang pala ang umaangat. Hanggang parang nakaupo na ako pero pa-slant lang mga 25 degree.

"Akala ko si Diwata lang ang may sa pusa sa pamilya namin. Meron pa palang Dominador na magdadagdag pa ng Karen"iiling iling ito habang nagsasalita.

Ngayon ko lang napansin na naka-cast halos buong katawan ko. Both hand and legs ko nakasimento. Tapos naka-neck support din ako kaya pala hindi ko maigalaw ang leeg ko.

Sinubukan kong lumingon sa kaliwa ko. Sa paglingon ko buong katawan ko ang kailangna kong igalaw. Napataas ang kilay ko, na nagpipigil ako sa pagtawa ng makita ko ang itsura ni Dominador.

Para kasi siyang---

"Alam ko bubwit, mukha ako mummy. Sige na itawa mo na iyan baka iba pa lumabas sayong masamang espirito kapag pinigilan mo iyan"anito na nakapagpabunghati ng tawa sakin.

"Aw!"daing ko naman ng mapwersa ang sugat ko sa pagtawa.

"Digital na talaga ang karma"si Dominador na ang tumatawa ngayon pero narinig ko din ang daing niya.

Kung ako mga paa at kamay ko ang nakasimento. Siya ata buong katawan niya talaga may simento. Ung ulo nga niya may benda din, tanging mukha lang niya ang makikita mo ngayon.

"Thank you"naibulalas ko nalang.

Huminga naman ng malalim si Dominador habang magkatitigan kami.

"Pwede bang wag kang umiyak ngayon. Tsaka na lang kapag parehas na tayong magaling. Di ko kasi magawang tumayo dito para punasan ang mga luha mo eh"aniya makaraan ang ilang minutong katahimikan.

Napasinghot singhot naman ako, hindi ko mapigilan na hindi maiyak.

"Gusto mo, ako nalang magpupunas ng luha niya Dom?"nakangising tanong ni Andres.

Kitang-kita ko ang nanlilisik na mata ni Dominador na nakatingin sa Kuya niya.

"Subukan mo lang KUYA! Baka makalimutan kong kapatid kita"banta nito.

Mas natawa ng malakas si Andes sa sinabing banta ni Dominador dito.

"Oo nga pala..."aniya pa habang tumatawa.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya di ko yata gets.

Magtatanong na ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Dominador maging ang Kuya/ate ko na kasama ang...

"Mama!"sigaw ko.

Napahagulgol na ako ng tuluyan ng makita ko ang kaisa isang magulang ko. Halos limang taon din kaming hindi nagkita ng mama ko.

GENTLEMAN'S QUEEN #6 : KAREN Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon