Arry.
Kinakabahan ako.
Alam niyo kung bakit?
Wala lang. Bigla nalang akong kinabahan.
Lalo na ngayon, papunta na kami sa plaza.
Tungkol nga pala sa pag add sakin ni Zi sa facebook. In accept ko. Syempre choosy pa ba ako? Eh crush ko ang nag add sakin?
"Ang tahimik mo yata?" Napalingon ako kay sweetie ng magsalita siya.
"May iniisip lang." Sagot ko.
Hindi ko muna sinabi sa kanya yung pag add sakin ni Zi. Mamaya na siguro kapag pauwi na.
Malay mo kasi may maganap pang mas nakakakilig diba? Edi isang kwentuhan nalang.
Hahahaha talino ko talaga!
Hindi na niya pinansin ang sagot ko dahil may ka text na naman siya.
Si Henry. Hays, mag jowa na din kaya ako? Nakakalungkot pala kapag ang best friend mo may jowa ikaw wala.
Ligawan ko kaya si Zi?
Eh baka ma basted agad ako...
Tsaka ang pangit naman kung ako ang nag first move diba?
Pero malay mo pumayag siya
Hihihi---
"Babe!"
Babe? Ibig sabihin nasa plaza na kami!?
Omyghad!! Kinabahan na naman ako!
What to do?? Ano na?? Titingin ba ako sa kanya? Babatiin ko ba siya?? Hanunaaaaaaa!!
"Artemis"
Fudge!
Dahan-dahan akong nag angat ng tingin. Nakayuko kasi ako diba? Diko ba nasabi?
Nasa harap ko si Zi.
Nginitian ko siya, pero hindi siya ngumiti.
"Uy! Ha ha ha nandyan ka pala!" Awkward.
Yan ang nararamdaman ko ngayon.
Awkwardness."Yea, kanina pa. Hindi mo yata napansin? May iniisip ka yata kanina. Ano ba yon? O sino ba yung iniisip mo?" Sunod sunod na tanong niya.
0_0 - reaksyon ko.
Ang dami niyang tanong.
Para namang pinagalitan ako ng jowa ko kasi hindi ko siya napansin.
Hihihi kinikilig ako!
Feeling ko jowa ko si Zi tapos nagseselos siya kasi may iniisip akong iba na akala niya lalaki tapos magagalit siya tapos lalambingin ko siya tapos ihkkkk!! Mag ki kiss kami! Mwahahahaha kinikilig ekooo!!!
Siguro crush din ako neto---
"Artemis!"
Napatalon ako slight
Tumaas kasi boses niya. Nagulat aketch! Nu ba problema nitong jowa ko.
"You're spacing out. Kanina pa kita tinatawag. Ano ba yang iniisip mo?" Magkasalubong ang kilay niyang tanong.
Hihihi. Selos siya~~~
Tumikhim muna ako bago sumagot. "Wala naman. May naalala lang." Nagpipigil ng ngiti kong sabi.
Kinikilig talaga ako. Kung nakikita niyo lang ang mukha ni Zi ngayon. Hihihi.
Yung ang gwapo gwapo mo tapos nakakunot ang noo mo, magkasalubong ang makakapal niyang kilay, kulang nalang ngumuso siya at mag pa lambing sakin.