1

106 4 6
                                    

"Look who's coming! Hey there pretty girl!"
I heard Sena, siya ang class president noon sa section namin noong 2nd year high. Nakakandong sa kanya ang isang cute na batang lalaki, probably her child. "Hi!" bati ko sa kanya pati na rin sa ibang schoolmates namin na nasa iisang table. Unang hinanap ng mata ko si Faye, ang pinaka-close friend ko. Ngayon lang kami magkikita after 15 years dahil ngayon din ang reunion night ng batch 2005-2007 ng Achilles High School students. Si Sena rin ang nag-suggest na mag-reunite kami sa gabing ito, siya naman talaga ang enthusiast pagdating sa organizing ng event gaya nito at siya lang naman ang nay contact pa rin sa ibang schoolmates namin. Pagkatapos ng ilang minutong pakikipag-interact sa ibang classmates, nakita ko rin si Faye.

"Krisnel!"

"Faye!"

Paparating pa lang siya ay alam ko na agad na siya 'yon. Nagyakapan kaming dalawa at nagpalitan ng ngiti. "Medyo pumayat ka na Faye, at gumanda na ang hubog ng katawan mo. Kumusta ka na ba? Hindi ko mahanap ang fb mo. Buti na lang umattend ka rito," sabi ko sa kanya habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya dahil manghang-mangha talaga ako sa transformation niya. Dinaig pa nga niya ang former muse ng mga varsity dati sa Achilles High. Sila mukhang nag-mature na ang itsura pero si Faye nag-bloom talaga.

"Kasi engaged na ako," nakatawang sagot ni Faye at proud pa siyang ipinakita ang kamay na may nakasuot na engagement ring. "Oh? Sino ang maswerteng lalaki?"

"Nakilala ko siya noong nagbabakasyon ako sa Batanes, tour guide siya doon. Grabe, excited na ako sa kasal namin. Hindi ko akalaing doon ko pala matatagpuan ang lalaking paglalaanan ko ng unconditional love," may kilig sa bawat salitang pahayag ni Faye. Through the spark of her eyes, I can tell that she's in love. Well, I'm happy for her.
"Ikaw? Kumusta? May boyfriend ka na?"

Alanganin akong napangiti. "Wala eh."

"Expected ko na 'yan. Mahal mo pa rin siya 'no?" nakangiwing tanong ni Faye at napaingos naman ako sa paligid namin. "Huwag kang maingay. Marinig ka pa ng iba tapos biglang ma-recall ng mga nakakaalam sa past na 'yon ang lahat. Baka maging topic pa," saway ko naman sa kanya. She giggled. "Okay. Teka, makipag-usap din tayo sa iba, baka sabihin nila may sarili tayong mundo."

We talked to every people at the party. Iyong iba napaka-successful na sa buhay at may sarili ng pamilya. Samantalang ako, hindi pa rin stable ang karera kahit nasa late 20's na. Sa katunayan, hindi nanatili na lang akong project based office employee sa pribadong kompanya nang sa gano'n ay maipagpatuloy ko pa rin ang passion ko. Isa kasi akong active volunteer sa iba't ibang non government organizations. Devoted na ako rito at kahit laging pagod, okay lang. Sa pagiging volunteer ko lang napapadama sa kapwa ko ang tinatawag nilang 'unconditional love' at ang pagtulong nang walang hinihinging kapalit ay isa sa signs nito. Huminto ang bacjground music nang umakyat sa entablado ang emcee ng party na si Jax, dati rin naming kaklase.

"Good evening! Happy reunion sa ating batch 2005-2007 students ng Achilles High. Una sa lahat, hindi magiging posible ang event na 'to kung di dahil sa tulong ni Sena, siya ang ating intel kumbaga kaya na-contact niya ang karamihan sa inyo at nakumbinsi niya na dumalo kayo. Sana mag-enjoy tayong lahat sa gabing ito at kalimutan na ang hinanakit sa isa't isa dahil isa rin ito sa main goal kung bakit may reunion tayo. Kung may bully at na-bully, mga magkakalaban sa quiz at sports noon, sana magkapatawaran na. Alam kong matured na tayong lahat."
Nagpalakpakan kami sa sinabi ni Jax. Actually, hindi ko inaasahan na magiging goal iyon. Ang tagal na rin at wala naman yatang tao na panghahawakan ang sama ng loob sa kapwa niya dahil lang sa mga bagay na dala lamang ng immaturity. Naniniwala pa rin naman akong nagbabago ang tao. Ewan ko lang sa isang tao na naging part ng high school life ko. At habang naiisip ko siya, di ko namalayang magkalapit na pala kami. Tahimik siyang nakatunghay kay Jax na nasa entablado. Ninanakawan ko lamang siya ng sulyap, isa lang ang natitiyak ko -- he's a changed man now. Pero ewan ko ba, sa bawat sulok ng kanyang mata, may naaaninag pa rin akong lungkot.

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon