Title: Pinagtagpo Pero Di Itinadhana
✍ @atingbitter
Dedicated to: Hannah SalisadBakit tila napakadaya ni tadhana
Akala mo siya na pero 'di pa rin pala
Nagkakilala pero 'di para sa isat-isa
Nakasalubong mo na pero 'di ka pala para sa kanyaNagmahalan pero 'di pangmatagalan
'Di nagkaunawaan at nauwi sa hiwalayan
Mga ala-alang mananatili sa isipan
Ang salitang tayo na napunta nalang sa kawalan.Tayo yúng pinagtagpo pero di tinadhana
Pag-iibigang biglang naglaho at nawala
Hindi sang-ayon sa atin si Bathala
Kaya walang magawa kundi ngumawaBakit sa lahat ng tao sa mundo?
Kailangan ko pang maranasan ito?
Pinaasa at sinaktan lang ang puso ko
Ngunit mas lamang ang mga natutunan koNatutunan ko na hindi talaga siya para sa akin
Sapagkat minsa'y dumaan lang siya sa buhay ko para ako'y pakiligin
Dumaan lang siya para ako'y kilitiin at pangitiin
At ituro ang daan patungo sa taong laan para sa akinOo nasaktan ako sa umpisa
Umiyak at ngumawa ng sobra
Subalit sadyang ganyan talaga
Lalo na't hindi kayo ang tunay na itinadhanaKaya 'pag natagpuan niyo na siya
Pahalagahan at alagaan mo siya
Ibigay mo ang sapat na oras sa kanya
Para manatili kayong masayaMatuto ka rin na makuntento
Paluso't ay 'wag na mag-imbento
Iisa lang ang nararapat at laan sa 'yo
Kaya dapat mahalin mo at marunong kang rumespeto
BINABASA MO ANG
Poem For You
AcakCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂