Title: Sampu–bilang para palayain ka
✍@atingbitter
Dedicated to: Angelica Joy OviloMasakit pakawalan ang taong mahal mo pa
Pero magpapakatanga pa ba ako kung mayr'on ka nang iba?
Sampung bilang, sampung kataga
Magbibilang tayo hanggang sa ika'y mapalaya ko naPagbilang ko ng sampu malaya ka na
Malaya sa pagmamahalan natin na tila nawala
Nawala dahil may iba ka na, iba na ang nagpapasaya sa 'yo sintaUna, maraming salamat at ika'y nakilala
Kahit sa una tayo'y nagkahiyaan paDalawa, masaya ako sa mga araw na nakasama ka Kahit isa na lang itong ala-ala
Tatlo, sa mga problema'y 'di tayo nagpatalo
Mga suliranin na nagpatatag pa sa 'tin laloApat, di ka nakuntento kasi, 'di pa ba ako sapat?
Kahit naging tapat pero 'di naging karapat-dapatLima, hindi mo na nais makasama
Iba na ang nagpapasaya sayo kaya siguro ito ang tamaAnim, mundo ko'y mababalot ng dilim
Sapagkat wala ka na sa aking piling–napabuntong hiningang malalimPito, napakasakit sa akin nito
Bakit nga ba kailangan pang mangyari sa'kin 'to?Walo, bakit napakahirap sabihin nito
Hilam na sa luha ang mga mata koSiyam, binitawan ang salitang paalam,
Paalam sa mga sandaling hiramSampo, sampung hakbang papalayo ang ginawa mo
Lumingon ka lang handa ulit akong magpakatanga sa'yoUmasa nanaman ako, mas gusto mo'ng saki'y lumaya na
Pinapakawalan na kita, pumunta ka na sa kanyaPero tandaan mo ika'y mahal pa,
Hihintayin ko na lang yúng araw na ako'y mapagod na–na di na ikaw ang tinitibok ng puso ko sinta

BINABASA MO ANG
Poem For You
RandomCompilation of requested poems na nakapost na sa Facebook account ko "Akihara Zhyx Beunaventura". I hope you'll like it too😂