Chapter 15
FRANCINE'S POV
Hello! Hehe!
Nag-umpisa na ang klase sa Science ngunit wala talaga ako sa aking sarili para makinig sa kung ano mang nile-lesson ni Ma'am Rina.
"Huy!"Bigla akong napalingon sa katabi kong si Justine. "Nakikinig ka ba? Haha!"
Napailing ako at tsaka nagbaba ng tingin at muling napatingin sa direksyon nina Alwiza at Ivan na kanina ko pa sinusulyapan.
Hindi ko alam, pero silang dalawa lang talaga ang laman ng isip ko mula kaninang umaga. Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko ay nag-aalala ako para sa kanila.
Kung bakit pa kasi kailangan nilang magtabi, eh!
"Si Alwiza?" Bigla kong nailipat ang aking atensyon kay Justine nang dahil sa tanong niyang iyon.
"Anong meron kay Alwiza?" Naguguluhang tanong ko na napakunot ang noo.
Napabuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Sina Alwiza ba 'yang iniisip mo?"
Wala akong naisagot kundi tango. Iyon ang tinugon ko dahil iyon ang iniisip ko.
"Hayaan mo 'yang dalawang 'yan, at sigurado ako na balang-araw ay sila rin ang magkakatuluyan, isang baliw at isang pikon." Itinaas niya pa ang mga kamay niya habang nagkukuwento. "Perfect Match, diba? Isipin mo, mai-inlove itong si Ivan dahil sa kabaliwan ni Alwiza, at mai-inlove naman itong si Alwiza dahil sa kapikunan ni Alwiza! At magkakaanak na sila! The end." Pumapalakpak niya pang sabi.
Bahagya naman ako napapigil sa aking pagtawa dahil sa itsura niya dahil sa totoo lang ay mukha siyang tanga habang ang paningin ay nasa taas at ang kaniyang mga kamay ay napakalikot na gumagalaw.
"Sigurado ka ba diyan?! Hahaha! Si Ate Alwiza? Marunong ba 'yan magmahal?" Parang batang sabi ko na napahalakhak rin na parang bata.
"Tsk! Lahat naman kasi tayo nai-inlove noh!" Pinalo niya ako sa braso. "Kahit ganiyan 'yang Ate Alwiza mo, tao pa rin 'yan! Hahaha!" Halakhak niya pa dahilan para samaan ko siya ng tingin.
Oo, kakaiba si Alwiza. Kung wirdo ako, mas wirdo siya. Unang tingin mo pa lang sa kaniya ay masasabi mo ngang iba siya sa lahat at mas lalong iba siya sa inaakala mo.
Ilang minuto matapos ang klase ng Science ay agad akong inutusan ni Ma'am Rina na ibigay ang mga iba't ibang uri ng papel sa Section C.
Hayyys! Hirap talaga 'pag ikaw 'yung president sa room niyo.
Napapunas ako sa aking mukha gamit ang hawak kong panyo dahil sa pagod. Nasa 3rd Floor pa kasi ang room ng Section C at ang room naman ng Section A o nang section namin ay nasa 1st Floor idagdag mo pa ang mga matatarik at matataas na hagdan ng Williams Academy, kung pwede nga lang na ipa-elevator na 'tong school ay matagal ko nang ginawa.
"9,10." Bilang ko sa hagdang inaapakan ko at nang makapunta na ako sa 2nd Floor. Agad naman akong napasandal sa may pader na katabi ko at hinihingal na napabuntong-hininga.
Bakit ba kasi ang tataas ng mga hagdan dito at dagdagan mo pa ng naghahabaang Corridor.
Inis ako napatingin sa terrace at doon ko nakita ang mga ibang estudyante na naglalakad at papunta kung saan. Muli naman akong napatingin sa mga papel na hawak ko at agad ko naman itong chineck kung kumpleto pa ba.
Tutuloy na sana ako sa paglalakad sa corridor ng paglingon ko sa bandang kanan ay may nakita akong hindi inaasahan.
Kung minamalas ka nga naman talaga, noh?!

BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Novela JuvenilMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...