CHAPTER 16

45 4 0
                                    

Chapter 16

IVAN CHRISTOFFER'S POV

Tugtug! Tugtug! Tugtug

Parang sandaling tumigil ang mundo dahil sa hindi kapani-paniwalang pangyayaring iyon.

Tsk! Damn you, Alwiza!

Nakapatong pa rin ako sa kaniya at halos magkadikit na ang aming mukha. Rinig na rinig ko ang kaniyang malakas na pagbuntong-hininga kasabay ng malakas at mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Kitang-kita ko rin ang kaniyang napaka pangit na mukha.

Pero ang hindi ko lang maintidihan, bakit ayaw niya pa rin ako paalisin sa pwesto naming iyon?

"Tabi!"Bigla niyang sambit kasabay ng malakas na pagtulak niya sa akin dahilan para mapalayo ako sa kaniya.

Kitang-kita ko pa rin ang gulat sa mga mata niya dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong niya matapos makatayo na agad ring pinagpag ang kaniyang lukot-lukot na uniform.

Napakunot naman ako ng noo. "Ang alin?" Kunwaring tanong ko.

Natigilan naman siya at deretsong tumingin sa akin na may halong panggigigil. Napansin ko rin na nakakuyom ang kaniyang mga kamao na anytime ay maaaring dumapo sa aking pisnge.

Pero hindi ko iyon hahayaang mangyari.Pasuntok pa lang siya, nasapok ko na ang mukha niya.

"Etoh! Bakit mo ako dinaganan?" Turo niya sa kaniyang sarili na napakagat pa sa kaniyang labi. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nang baliw na babaeng kaharap ko. "Ha?!" Singhal ko na napaiwas sa kaniya ng tingin. "So ako pa ngayon ang may kasalanan?! Hindi mo muna kasi tanungin ang sarili mo kung sino ay may tunay na sala?! Sino ba ang nanghila sa akin pababa?!" Pabalik kong tanong sa kaniya dahilan para magtaka siya at tumaas ang kanang kilay niya.

"Sino ba kasi ang nanghihila sa akin pababa ng hagdan?"Balik niyang tanong na napameywang pa na akala mo na siya na ang pinakamatalino na tao--este hayop sa buong mundo.

Tsk! Tingnan natin kung makapagsalita ka pa ngayon netoh!

"Eh, sino ba naman kasi 'yung baliw na nanguha ng sapatos ko eh, noh?" Walang emosyon kong tanong dahilan para manlaki ang mga mata niya na parang gulat na gulat sa mga nangyari.

Mas lalo lamang siyang nainis dahilan para mas lalo siyang manggigil.

Kasi, mag-isip muna bago mangsumbat, ah? Tsk!

"Ano? Sino sa atin ngayon ang may tunay na sala? Sino ba naman kasing matinong tao na biglang mangunguha ng sapatos eh, noh?! Tapos ngayon, sasabihin mong ako ang may sala kung bakit kita nadaganan?" Pang-iinis ko pa.

"Wala akong pake!" Inis niyang sabi na itinulak pa ako ngunit hindi naman nito naalis sa aking pwesto. "Akala mo ba ginusto ko 'yon ha? Alam mo bang nandidiri na ko sa sarili ko ngayon dahil nadikitan na ako ng isang pangit na tulad mo at natatakot ako na baka mahawa pa ako sa kapangitang taglay mo!"

Wow!

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa mga pinagsasabi niya.

Hays! Intindihin mo na lang siya, Ivan. Matino ka at baliw siya. Mas lamang ka.

Dahil sa inis ay agad ko siyang tinalikuran at agad na nagpatuloy sa aking paglalakad pabalik sa Classroom.

"Pst!" Sandali akong natigilan nang muli akong tawagin ni Alwiza mula sa pinaka dulo ng corridor. "'Yung sapatos mo!" Turo niya sa sapatos ko na naiwan ko na nakasalampak lamang sa sahig.

I Hate You, But I Love You (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon