Pababa na ako ng escalator ng mapansin ko ang isang pamilyar na lalaki na noon ay nakatalikod at tila may hinihintay sa labas ng toy store kung saan ako pupunta.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang kabog sa dibdib ko at mayroong kirot na namutawi doon. Bagamat nakatalikod sya ay kilalang kilala pa rin ng puso ko ang lalaking iyon.
Si Ivan. Ang unang lalaking minahal ko, at sya na ring huli. Dalawang taon na rin ang nakakalipas ng tuldukan nya ang halos limang taong relasyon namin. Ngunit hanggang ngayon ay di pa rin pala ako lubos na nakakawala sa sakit na dulot ng paghihiwalay namin noon.
Dahil sa malalim na pag iisip ay di ko namalayang nakababa na pala ako ng escalator. Ilang saglit din akong natuod sa kinatatayuan ko. Ngunit ng akma na syang haharap sa deriksyon ko ay lilihis na din sana ako ng daan ngunit huli na dahil sadyang mapaglaro ang tadhana at sa puntong iyon ay nagtama ang mga mata namin.
Hindi ko alam kung paano ako magre-react sa tagpong iyon. Alam kong bakas pa rin sa mga titig nya ang pagkamuhi sa akin.
Kay tagal kong hinintay na muli syang makita ngunit hindi pa rin pala ako handa. Unti unti syang lumapit sa akin na parang slow motion ang lahat at parang sya lamang ang nakikita ko dahil napako ang tingin ko sa kanyang mukha. Hanggang sa pumitik sya sa ere at parang bumalik ako sa ulirat dahil doon.
"Long time no see.. Danie." sambit nya at bahagyang ngumiti.
Pakiramdam ko'y napahiya ako kanina ngunit pinilit kong ngumiti. Alam kong hindi totoong ngiti iyong binigay sa akin ni Ivan, bagkus ay ngiting may pait.
Kababata ko si Ivan at masasabi kong kabisado ko na ang lahat ng kilos nya, maliban na lamang kung tuluyan na syang nagbago dahil sa masalimuot na nangyare bago kami maghiwalay.
"So, how are you?" muli nyang sambit ngunit nanatiling tikom ang mga labi ko hindi dahil sa ayaw ko syang makausap, kundi maging ako ay di ko rin alam ang sagot sa tanong nya.
Hindi na nawala ang malakas na kabog sa dibdib lalo pa't alam kong nakatitig sya sa mukha ko at di ko magawang lingunin sya. Hanggang ngayon ay hiyang hiya ako sa kanya. Pakiramdam ko'y napakasama kong tao.
"What happened to you after mong magpagalaw sa iba habang tayo pa, two years ago?" tanong nya na alam kong punong puno ng pagkasuklam sa akin.
Awtomatikong napaangat ako ng ulo mula sa pagkakakuyo at saka muling nagtama ang mga mata namin. Naramdaman ko ang pag iinit ng mga mata ko dahil sa tinuran nya. Pero hindi, hindi na ako muling luluha sa harap nya.
"Ba't parang naiiyak ka? Bakit, mali ba yung tanong ko?" muli nyang tanong na para bang dahan dahang pinipiga ang puso ko.
Nanatili akong nakatitig ng deritso sa mga mata nya at ramdam kong anumang sandali ay tutulo na ang likido sa mga mata ko na kanina ko pa pilit pinipigilan.
"Malamang kahit ikaw nandidiri sa sarili mo. Limang taon tayo Danica, ni minsan hindi ko pinilit na magtalik tayo kasi nire-respeto kita kasi sabi mo, ibibigay mo lang yun kapag kasal na tayo. Naalala mo, isang buwan na lang sana. Isang buwan. Isang buwan na lang noon, ikakasal na tayo. Tapos malaman laman ko nagpakama ka na nga sa iba, nagpabuntis ka pa. Kating kati na ba? Nakakagago alam mo yun!" panunumbat ni Ivan. Bagamat hindi sya sumisigaw habang sinasabi ang mga iyon ay ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan nya.
Parang gusto kong dantayqn ng isang sampal ang pisngi nya ngunit hindi ko magawa. Pakiramdam ko'y hinang hina ako para gawin iyon sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at unti unti ng nagsiunahan ang mga luha ko sa pagpatak sa aking pisngi.
Napayuko ako dahil ayokong makita nya iyon. Napakabigat sa kalooban ng muli naming pagkikita ni Ivan. Parang bumalik lahat ng sakit na akala ko'y nalampasan ko na noon.Parang hinihiwa ang puso ko.
Nagulat ako ng biglang hinigit ni Ivan ang braso ko. Ramdam ko ang pagdiin ng mga daliri nya sa balat ko pero wala iyon kumpara sa sakit na nararamdaman ko simula ng maghiwalay kami, at yung sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon.
"Wala kang karapatang umiyak. Kung meron mang dapat umiyak dito, ako yun. Bakit nako-konsensya ka na ba sa ginawa mo sakin noon? Tang*ina Danica, sobrang minahal kita. Pero sinira mo lang lahat ng mga pangarap natin. Sinira mo lahat pati buhay ko.!"
Hindi ko magawang tignan si Ivan pero alam kong lumuluha na din sya habang binibigkas iyon. Sobrang sakit din naman para sa akin ng mga nangyare.
"Tama na, Ivan. Tama na." pagmamakaawa ko habang pinapahid ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.
Ngunit hindi nya ako binitawan bagkus ay lalong humigpit ang hawak nya sa braso ko at muling bumaon ang mga kuko nya doon.
Napansin ko ang isang munting anghel na palabas ng toy store na nasa harap namin ni Ivan, kasunod ang kanyang yaya.
Bago pa man sya tuluyang makalapit ay mariin kong tinanggal ang kamay ni Ivan mula sa pagkakahawak sa braso ko.
"Moommmmy" nakangiting yumakap sa akin si Yvanna habang kinakaway ang laruang binili nila.
"So, sya pala ang anak nyo ni Marco." nakangising sambit ni Ivan.
"Ate, sa kotse nyo na lang ako hintayin." utos ko sa yaya ng anak ko at agad naman itong tumalima.
Nang makaalis sila ay hinarap ko muli si Ivan. Tinignan ko sya ng matalim at tila nagtaka sya sa ginawa ko.
"Tama ka Ivan, sya ang anak ko kay Marco." mariin kong sagot sa tanong ni Ivan kanina bagamat kay bigat sa kalooban na aminin iyon.
"Proud ka pa sa bunga ng kataksilan nyo ng tropa ko." nakangising sabi ni Ivan ngunit nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya.
"Ni minsan hindi kita pinagtaksilan Ivan." nanlulumo kong sabi kahit pa alam kong hindi sya maniniwala
"Wow! Kaya pala nabuntis ka nya. Ang galing nyo din ano?" galit na sambit ni Ivan
Hindi ako nagsalita dahil batid kong naaagaw na namin ang atensyon ng ilang mga dumadaan.
Napansin ko rin ang paglinga linga ni Ivan. Marahil ay pansin nya na rin ang paglingon lingon sa amin ng mga dumadaan. Bumuntong hininga sya at tila medyo nahimasmasan.
"Kamusta kayo ni Marco.?" mahinahong tanong nya.
Nasasalamin ko sa mapupungay nyang mga mata ang halo halong emosyon. Lungkot, galit, pagkasuklam.
"Si Marco? Baka gusto mo syang dalawin sa city jail. Nandun sya, pinagbabayaran ang pangbababoy nya sakin two years ago." nanlulumong pag amin ko kay Ivan.
Halatang nabigla sya sa kanyang narinig. Nakaawang ang mga labi nya at naihilamos ang mga palad sa mukha. Ngayon ay sya naman itong lumuluha.
"Ivan, ginahasa ako ni Marco.!" mariin kong pag amin sa kanya.
Dahil doon ay hinawakan nya ang mga kamay ko habang patuloy sa pagluha at ni hindi nya magawang magsalita.
"Sana binigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag noon. Sana pinakinggan mo ako." sa pagkakataong iyon ay hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.
"I-Isang buwan bago sana tayo ikakasal noon, pumunta sa bahay si Marco. Ang sabi nya pinasusundo mo ako dahil may surpresa ka. Dinala nya ako sa isang hotel at doon pinagsamantalahan. Sana Ivan, sana pinakinggan mo ako dati. Pero ayos lang, tapos na ang lahat." pagkukwento ko sa gitna ng pagluha.
"I-im sorry Danie, I'm sorry. Hindi ko alam. I'm sorry." pagsusumamo ni Ivan.
Agad kong iwinaksi ang mga kamay kong hawak nya. Akma nya sana akong kakayapin ngunti agad kong naitulak sya ng marahan.
Lumuhod sya sa harap ko at paulit ulit na humihingi ng tawad habang patuloy pa din sa pag iyak.
"Have a good life, Ivan." sabi ko at saka tumalikod sa kanya kasabay ng muling pagpatak ng luha ko.