ESTELLE~
"Naku anak, mukhang hindi ka talaga makakasama sa tour nyo, wala pa kasi sweldo ng papa mo at medyo nagigipit na tayo lalo na't ilang buwan nalang eh gagraduate na kuya mo." Sabi ni mama.
"Okay lang ma, naiintindihan ko po. At tsaka sigurado ho ako na magiging boring din ang tour na yun." Sagot ko naman.
"Bata, wag kang mag-alala, konting tiis nalang, pag nakagraduate na ako at magkakatrabaho na, lahat ng gusto mo ibibigay ko." Sabi ni kuya Ford.
"Talaga kuya? Promises?" Sabi ko.
"Promises." Sagot naman ni kuya.
"Osya, magmadali na kayo dyan at baka kayo'y malate." Sabi ni mama.
Nagmadali na kami ng kuya at baka magalit nanaman ang ang nanay. Estelle Marie Gacal. First year college na may kursong BSMT. Dalawa lang kaming magkapatid kaya ganito kami ka close. Si kuya Ford yata ang knight in shining armor ko! He was running for being a magnacumlaude, he'll be a very good nurse gaya ni papa and his name is Jopelle. Si mama, her name is Esther, housewife lang, nurse din sya kaso ayaw syang pagtrabahuin ni papa, alagang alaga eh. Haha. Nasa lahi na namin ang puro nurse pero gusto kong maiba kaya MedTech ang kinuha kong kurso. Simpleng pamilya lang kami, ayaw namin ng magarbo.
Ako ang baby ng pamilya, kahit 17 na ako para pa rin akong 7 basta kasama ko pamilya ko. Palagi nila akong pinapakanta, maganda daw kasi boses ko. Papa even bought me a guitar at si kuya naman nilagyan pa ng design na ribbon ang gitara ko. Ang saya-saya nila kapag kumakanta ako, kaya ginaganahan akong kumanta lagi pero never pa akong sumali sa mga singing contest, ayaw ko. I kept my talent to other people. Ony my family and my bestfriend knows my talent. Nahihiya ako.
First class ko ang Social Science, at lagot! Napaka terror pa ng professor namin. Nagsusulat ang aming prof at ako naman at dahan dahang pumasok at nang ako ay mauupo na sana..
"Ms. Gacal, why are you late?" Biglang sabi ng prof namin.
"Ah-eh traffic ho kasi sir kaya medyo nahuli ako. Pasensya po." Paliwanag ko.
"Sit down Ms. Gacal. Next time, you can't enter the room na if you're late. Understood guys?!" sigaw ng prof namin.
"Yes sir." Sagot namin.
"Bakit ka nanaman nalate Stelski?" Nag-aalalang tanong ni Apollo, best friend ko.
"Napasarap kasi kwentuhan namin nina kuya at mama eh." Sagot ko.
"San papa mo?" Tanong nya.
"Night shift sya, ayun tulog pa." Sabi ko.
"Okay. Next time wag kang magpapalate ha! Nako, malilintikan ka nanaman ulit kay Sir." Sermon niya.
"Oo na Polski." Sabi ko sabay irap.
Apollo and I were bestfriends since we were grade 6. Naalala ko pa noon, magkaaway pa kami.
*Flashback*
"Waaaaaaaa! Estelle Patpatin!" Tukso ni Apollo.
"Che! Ikaw pangit! Mukhang unggoy!" Sagot ko naman.
"Patpatin!" Sabi nya sabay dila.
"Pangit!" Sagot ko naman sabay dila din.
Biglang dumating si Sandy, kaklase din namin.
"Ano ba naman Estelle, ang baduy na nga manamit, sobrang papansin pa!" Sabi nya sabay tulak sa akin at dumaan sa harap ko.
Bigla naman akong tinulungan ni Apollo na makatayo.
"Wait ka lang patpatin." Sabi nya.
Nagtaka naman ako kung ano ang gagawin nya.
"Hoy Sandy! Ang sama mo naman. Subukan mong lapitan ulit si Estelle isusumbong kita sa principal!" Sigaw nya.
"Principal? HAHAHA. I'm so scared Apollo" Sagot naman ni Sandy sarcastically
"HAHAHA hindi ka natatakot?" Lumapit kay Sandy at bumulong, "Siguro sa suntok ko eh matatakot ka na?" Sabay ngiti.
Hindi ko alam ang sinabi nya pero takot na takot na umalis si Sandy. Tawa naman kami ng tawa.
"Bakit mo ginawa yun?" Sabi ko.
"Eh inaaway ka eh!" Sagot nya.
"Inaaway mo din naman ako ah." Sabi ko.
"Ganito ako maglambing sa gusto kong maging kaibigan." Sabi nya, "I'm sorry."
"Totoo ba yan?" Sabi ko.
"Totoo. Promises." Sabi nya.
"Bakit may "s" talaga ang promise mo? Natatawa kong sabi.
"Para mas ramdam ang pagiging totoo." Sagot nya, "Simula ngayon, dapat palagi na tayong magkasama. Friends?"
"Si patpatin at si pangit." Sabi ko, "Osige, friends!"
*End of flashback*
"Hoy anong ningingiti mo dyan!" Biglang sabi ni Apollo.
"Wala! Epal ka talaga forevs!" Sigaw ko.
"Baliw ka talaga forevs!" Sagot naman nya.
BINABASA MO ANG
The One For Me (For EDITING)
RandomLove sometimes comes with signposts letting us know which is the path to happiness and which is the path to heartbreaks. But all along the way, no matter how much thinking and reasoning we bring to have our choices, we always end up with regrets th...