Chapter 9: His Promise

8.1K 425 72
                                    

Darren as Gunter

Gunter's POVDalawang araw bago ang insidente

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Gunter's POV

Dalawang araw bago ang insidente.

Bakas sa mga mukha ng bawat isa ang pagkasabik sa parating na camping. Hindi naman siguro ito ang unang pagkakataon nila sa camping pero ang ideyang magkakasama ang magkaklase sa isang out of school grounds na activities ay tiyak na magandang ideya. Karamihan sa mga lalaki ay pinag-uusapan na kung papano makakascore sa mga babae sa camping. At tila ang mga babae ay may kaniya-kaniya ding plano sa nararating na camping. Ako lang ata ang hindi masyadong excited sa parating na camping namin. Mukhang hindi rin excited si Lance dahil marami na ang nagpaplano sa amin pero heto siya nakahiga ang ulo sa ibabaw ng desk niya at tulog na tulog. Ewan ko ba sa taong to. Ako nga dapat ang puyat sa aming dalawa dahil ang nangalay ang katawan ko sa kakaakap niya sa akin. Sa tuwing aayusin ko ang aking paghiga ay bigla niya na lang akong hihilain pabalik sa dati kong posisyon.

"Hindi ka pa ba nakontento na katabi mo ako buong gabi?" sabi niya habang nakapikit ang mga mata.

"Ha?" tanong ko naman dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

"At kailangan mo pa akong titigan habang natutulog ako sa tabi mo ngayon?" dumilat siya at sabay ngumisi sa akin. Saka ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin. Hindi ko rin naman namalayan na ako pala'y nakakatitig sa kaniya habang siya ay natutulog.

"Ewan ko sayo" ang tangi kong naisagot at iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Umayos siya nang pagkakaupo at biglang umakbay sa akin. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tenga at muling nagsalita.

"So anong plano natin sa camping bukod sa magkatabi tayo sa pagtulog?" sabi niya at inalis ko ang kaniyang kamay sa aking balikat bago magsalita.

"Hindi ka kasama sa plano ko atsaka hindi ako yung tipo ng taong mahilig sa camping" sabi ko habang inaayos ko ang aking mga notebooks sa loob ng aking bag.

"So ano ang hilig mo bukod sa pagtitig sakin habang ako'y natutulog?" tanong niya at ako nama'y tumayo sa aking kinauupuan at saktong tumunog ang bell na naging hudyat para sa aming break time. Lumabas kaagad ako nang hindi pinapansin ang mga kalokohang pinagsasabi ni Lance.

Pumunta ako sa cafeteria para maghanap ng maiinom. May bagong stall ng drinks sa cafeteria ngayon at nagseserve sila mga thai drinks. Wala akong ideya kung anong lasa ng mga to kaya sinabi ko na lang sa nagtitinda na bigyan ako ng best seller nila. Makalipas ang ilang minuto ay inabot niya sa akin ang isang inumin na kulay pink. Pagkatapos kung iabot ang aking bayad ay tiningnan ko sa menu kung anong pangalan ng drink na to. Nom-yen, yan yung nakalagay. Ang buong akala ko pa nga ay strawberry flavor ito pero mukhang mas lasang raspberry siya pero hindi ko na tinanong yung ale na nagtitinda kung ano ba ang mga nakahalo dito. Buti na lang at mabilis kong narating ang cafeteria dahil pagkaalis ko dito ay dinagsa naman ito ng maraming estudyante.

Humanap ako ng pwesto na may malakas na internet connection. Hindi ko alam kung bakit ba may signal block ang school namin. May mga area na sobrang hina ng signal kaya naman napilitan akong maghanap ng lugar na may 4G connection. Sa kakahanap ko ng mapupwestuhan ay napadpad ako sa rooftop kung saan madalas tinatambayan ni Lance. Mabuti na lang at wala siya dito kaya walang manggugulo sa akin. Nang makapwesto na ako ay nilapag ko ang aking inumin sa aking tabi at saka naglog-in sa laro. Kasalukuyan akong nahuhumaling sa paglalaro ng Mobile Legends sa aking cellphone. Gustong gusto kong marating ang mythic rank pero hindi ako makaalis sa Epic 1 dahil lagi akong nadedemote sa mga walang silbing kakampi. Madalas kong ginagamit si Guinevere o kaya si Hanzo pero kapag nababan ang dalawang to sa rank game ay nauuwi ako sa paggamit kay Chang'e. Halos maibato ko ang phone sa inis nang lumabas sa screen ko ang salitang 'DEFEAT' nang matapos ang isang laro.

"Hindi mo sinabing naglalaro ka niyan" may biglang nagsalita na ikinagulat ko. Nasa tabi ko na pala si Lance na humihigop ng inumin.

"Hoy akin yan ahh!" sabi ko nang mapagtanto ko na ininom niya yung Nom yen ko.

"Sobrang tamis!" sabi niya nang makuha ko ang inumin.

"Sino ba kasing nagsabi sayo na inumin mo to?" sabi ko at pinunasan ang straw na pinag-inuman niya.

"Tsk. Ang arte" narinig kong sabi niya kaya naman tinitigan ko siya ng masama. Ngumiti naman siya bilang pagbawi sa kaniyang binitawang salita.

"Bakit hindi mo sinabi na naglalaro ka pala niyan?" tanong niyang muli.

"Eh bakit ko naman kailangang sabihin sayo?" naiinis kong sagot. Yung badtrip kana dahil talo ka talo iniinis ka pa lalo ng taong to.

"Edi sana nabuhat kita sa laro" pagyayabang niya at ako nama'y tumawa ng sarkastiko.

"Talaga ba? Eh mukhang mas mataas pa nga ang rank ko sayo" pagmamayabang ko sa kaniya.

Bigla niyang kinuha ang phone niya mula sa kaniyang bulsa at pinakita sa akin ang rank niya na Mythic at merong 36 stars. Tiningnan ko pa yung profile niya kung sa kaniya talaga yun at doon ko napagtanto na totoo nga ang sinasabi niya. Binalik ko ang kaniyang cellphone at hindi na umimik pa.

"Hayaan mo magpapademote ako hanggang sa Epic para sabay tayong makarating ng Mythic" sabay akbay niya sa akin. Mabilis kong inalis ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"Di ko kailangan ang tulong mo dahil kaya ko namang gawin yun na hindi humihingi ng tulong sayo" kukunin ko na sana ang inumin ko na muli kong nilapag sa aking tabi pero hinawakan niya ang kamay ko na kasalukuyang nakahawak sa aking inumin para pigilan ako sa pag-inom.

"Bakit ba ang sungit-sungit mo sa akin?" tanong niya habang naglalaban ang aming mga kamay sa hilaan ng inumin. Hindi ko rin alam kung ano ang isasagot sa tanong niya kaya nanatili akong nakatikom ang bibig habang nakikipaghilahan sa kaniya ng inumin hanggang sa hindi sinasadyang matapon inumin sa kaniyang uniform.

"Ohh fuck!" bulyaw niya at kapwa kaming nagulat. Dali-dali kong kinuha ang panyo sa aking bulsa at tinulungan siyang punasan ang natapong inumin sa kaniyang dibdib patungo sa kaniyang tiyan. Parehas kaming napahinto nang mapagtanto naming may mali sa ginagawa namin. Kaya naman inabot ko na lang ang panyo sa kaniya para siya na mismo ang magpunas sa kaniyang katawan.

"Ikaw kasi eh" di ko mapigilang sabihin at siya naman ay napatingin sakin habang nagpupunas.

"At kasalanan ko pa talaga ah? Imbes na magsorry ka sa akin, sisisihin mo pa ako?" naiinis niya sabi.

"Eh kasalanan mo naman talaga eh. Dahil sayo nasayang yung inumin ko" pagkasabi ko ay bigla siyang tumayo sa harapan ko at biglang tinanggal ang butones ng kaniyang uniform upang maipakita sakin ang kaniyang katawan. Sa puti niya ay nangingitab ang kaniyang balat kapag nasisinagan ng araw. Bakas sa kaniyang dibdib at tiyan ang natapong inumin at sa tingin ko ay sobrang lagkit sa pakiramdam nun.

"Oh ayan! Sayang di ba? Sige dilaan mo!" sabi niya na ikinagulat ko. Inilapit niya pa ng husto ang kaniyang katawan sa aking mukha at ako nama'y tumagilid para iiwas ang aking mukha at pinikit ang aking mata. Nang makalipas ang ilang sandali ay akala ko ay umalis na siya sa aking harapan pero laking gulat ko nang iharap ko ang aking mukha. Tumama ang aking ilong sa karog niya at ang aking bibig ay sapul sa hinaharap niya.

"Gago ka!" sabay tulak ko sa kaniya at siya nama'y napaupo sa lakas ng pagkakatulak ko. Imbes na magalit ay tanging pagtawa ang naging tugon niya sa akin. Tumayo ako para iwan siya pero mabilis siyang nakahabol sakin.

"Hoy bago mo ako iwan ay panagutan mo muna to!" sabi niya habang sumasabay sa bilis ng aking paglalakad. Nakakailang ang mga tinginan ng mga ibang estudyante dahil sa nakabukas ang mga butones ng uniform ni Lance.

"Panagutan ang alin?" inis kong tanong at parami na ng parami ang nakakakita kay Lance sa ganong ayos.

"Ito!" sabay turo niya sa kaniyang katawan.

"Gago puro kabastusan na lang yang nasa isipan mo!" inis kong sabi.

"Ikaw ang madumi ang iniisip eh. Pagkatapos mo akong buhusan ng inumin sa uniform ko bigla mo na lang akong iiwan? Wala akong pamalit dito kaya baka naman gusto mo akong tulungan dahil ikaw naman ang may kagagawan nito?" tugon niya at bigla akong napako sa aking kinatatayuan dahil maling mali ang naiisip ko. Nang magkaroon ako ng lakas na loob ay kaagad akong tumalikod para lisanin ang lugar na yun kung saan marami ng taong nagkukumpulan.

"Ahh ganun sige. Umalis ka! Pagkatapos mo akong buhusan ng inumin sa katawan ay bigla mo na lang akong iiwan. Ganyan ba talaga ang istilo mo sa tuwing hindi kita pagbibigyan sa gusto mong mangyari sa ating dalawa?" pasigaw na sambit ni Lance na halos rinig ng karamihan at ang iba ay nagsisimula nang magbulong bulungan. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa kinatatayuan ni Lance at siya'y inakbayan habang ang aking kamay ay nakatakip sa kaniyang bibig habang naglalakad patungo sa locker. Habang kami ay papaalis ay rinig na rinig moa ng hiyawan ng mga taong nakakakita sa amin. Kahit hindi ko tingnan si Lance ay ramdam ko sa aking kamay ang pagngiti niya.

"Ibalik mo sa akin yan ah dahil yan lang meron ako para sa P.E." sabi ko nang maiabot ko sa kaniya ang shirt ko na pang P.E. Dumiretso siya sa c.r. para makapagpunas ng maayos habang ako ay nag-aantay sa labas na para bang alalay niya. Mabuti naman at nagkasiya sa kaniya ang shirt. Hindi nagkakalayo ang pangangatawan namin pero di hamak na mas matangkad siya sa akin.

The Curse of Fuentes Kiss (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon