Chapter 17 ~ Forgotten
Magkasama kami ngayon ni Kiel. Second day of school festival. Busy pa rin kami pero tapos na ang duty namin sa room. Tinext ko si Arth na isunod dito si Hero, gusto namin siyang makasama ngayon.
“Mama!” sigaw agad niya at tumakbo papunta samin.
“Ang kulit niyan ni Hero, Ate, excited makita kayo.” Sabi ni Arth. “Paano, Ate? Magiikot muna ako.”
“Sige, mag-ingat ka.”
“Kumusta ka na, Hero?” sabi ni Kiel at kinandong niya si Hero.
“Okay lang po, Papa. Ubos na po ‘yung mga paper swans na ginawa ko kaya okay na po.”
Ah, oo nga pala, naalala ninyo ‘yung mga paper swans? Minsan ‘pag kasama nila Mama at Papa si Hero, namimigay pa rin siya nung mga Paper Swans na ‘yun.
“Gan’un ba? Very good ka talaga.” Sabi ni Kiel.
Nagbonding kami sa School Festival. Naalala ko nung nag-amusement park kami. Gan’un ulit ‘yung feeling ko, masaya na para bang walang bukas.
“Apryl!” sigaw ng isang babae. Mukhang kilala ko na kung sino ‘to.
“Bullet.” Bati ko sa kanya.
“Nakakapagod sa cafeteria.” Sabi niya. Lumapit naman samin si Kiel at Hero.
“Uy, Bullet, tapos na shift mo?” tanong ni Kiel.
“Yes, nakakapagod.” Sabi niya. “Uy, sino ‘to? Anak n’yo?” sabi ni Bullet kay Hero.
“Nakita mo na siya dati Bullet, siya si Hero.”
“Ahh, oo nga pala, ‘yung cute na bata!” kinurot niya sa pisngi si Hero.
“Hello po!” bati naman ni Hero sa kanya.
“Oooops! May nakalimutan ako sa room. Sige, balik muna ako d’un. Bye!” biglang tumakbo si Bullet paalis. Kahit kailan talaga ‘yun.
Naglibot pa kami sa buong campus. Lahat ng kaibigan naming nand’un ay nakita si Hero. Naalala ko dati nung dinala ni Mama si Hero dito, d’un nila unang nakilala si Hero.
…
Mag gagabi na ngayon, inuwi muna namin si Hero bago kami umalis ni Kiel. Saan kami pupunta? Sa ospital kung nasaan si Hero. Gusto naming makasiguro na okay lang ang katawan niya.
Bawat lakad papunta sa ospital ang bigat ng pakiramdam ko. Natatakot ako na kinakabahan na ewan. Siguro hindi ko rin kasi alam ang magiging reaksyon ko ‘pag nakita ako ang comatose-state na si Hero… Ang tunay na Hero.
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Novela Juvenil"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...