I think he's really the one

22 1 0
                                    

Janssen's Point of view

"Ate pabili po ng dalawang softdrinks" nandito kami ngayon sa isang tindahan.

Galing kami sa school. Nag enroll kami

"14 pesos po"

"Minsan kaylangan din na ikaw ang maghanap ng soulmate mo" napatingin ako kay bff na sinulat yung number ko sa 20 pesos na pera

"Eto po yung bayad" binigay nya yung 20 pesos dun sa nagtitinda

"Bakit mo nilagay yung number ko dun?!" Inis na inis na sabi ko sa kanya

"Ate pakibalik po yung 20 pesos. May barya po ako" kumuha akong barya sa pocket ko

"Ate keep the change na po. Tara na nga bff" bigla nya akong hinigit palayo dun sa tindahan

"Nakakainis ka naman. Kung gusto mong hanapin yung soulmate mo, wag mong gamitin number ko!"

"Hindi ko naman po kasi hinahanap ng soulmate yung sarili ko, kung hindi ikaw"

"Ano?! Ako hahanapan mo ng soulmate? Baliw ka ba ah? Pano kung yung nag text saken ay matanda? Pano pag babae? Pano pag bata? Pano pag bakla? Nagiisip ka ba ah? Nasisiraan ka na talaga" napailing nalang ako

Magpapalit na nga lang ako ng sim

"Alam ko naiisip mo. Wag na wag kang magpapalit ng number kung hindi..."

"Kung hindi?"

"Hindi kita kakausapin amp" sabi nya at mabilis na naglakad

"Hinde. Hindi na ako magpapalit ng sim!!" Sigaw ko at agad agad naman ay nakalapit sya saken

"Kaya mahal na mahal kita bff e" sabi nya sabay yakap saken

Oo. Ganyan kami ka oa. Over attractive *wink

--

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Kasama ko si bff

Biglang tumunog yung phone ko

May nagtext. Unregistered number

Binasa ko.

'Hey. Can I ask you something?'

"Bff! May nagtext saken!"

"Sino sino?" Nagulat ako na nasa harap ko na sya

"Hindi ko kilala e"

"Hala bff!! Baka yan na yung nakakita ng number mo sa 20 pesos ko! Anong sabi?" Pinabasa ko sa kanya yung text

"Mag reply ka dalii" nagreply ako

'Sino to?'

Agad naman ay nakapag reply sya

'What? I don't understand tagalog sorry'

"Ay. Hindi daw maintindihan tagalog"

"Ano yan? Dollars?"

"Anong dollars?"

"Taga ibang bansa. San mo tinago common sense mo ah? Reply na dali" napailing nalang ako at nag reply

'Who's this?'

'Kent'

"Bff. Ganda ng pangalan. Kent daw"

"Ay bff. Ikaw na bahala dyan ah. Pinapauwi na ako ni mama. Goodluck. Bye" paalam nya saken at bineso beso

Umalis na sya ng bahay

Mareplayan na nga lang to

'What do you want?'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon