Love Problem

5K 14 5
                                    

Hi.. I'm Alexa, Alexa Fabellar. Im 19 years old now. Nakatira dito sa Greenpark Village Manggahan Pasig City, Nag iisang anak ako kaya naman nakukuha ko lahat ng gusto ko lumaki ako sa marangyang buhay kahit lumaki akong nasusunod lahat ng gusto ko napalaki naman akong ng tama at may takot sa diyos ng aking mga magulag, 5’4 ang heigt ko maputi, Singkit,Mahaba ang Buhok at slim ang katawan, sabi nila maganda daw ako ,, Well I don’t know, I don’t think so, And i'm not Sure. Nag aaral ako dito sa PUP.. Kumukuha ako ng kursong Information Technology (IT) 2nd Year College na ako, well isa nga pala  akong makulit, maingay, at masayahing estudyante may sense of humor kase ako kaya madalas kong napapatawa mga classmates, friends and teachers ko. Pero minsan seryoso at may pagka masungit din ako, ayoko kase sa taong plastic. Basta makilala nyo din ako .. 

Meron akong barkada 5 kami . Since highschool magka-kaibigan na kaming apat kaya parang magkakapatid na ang turingan namin, Kilala na namin ang isat- isa. Alam na namin kung ano gusto at ayaw ng bawat isa samin.  Araw-Araw kaming magkakasama kahit weekends kasi iisang university lang naman pinapasukan namin. Yun kasi ang usapan namin nung highschool palang kami, na di kami maghihiwalay kahit sa Colleges at kahit magkaron na kami ng sari- sariling pamilya..

Si Angel Montero mayaman, maganda pero marunong makisama sa kahit kanino. 

Si Jannie Isaac, Anak mayaman Spoiled Brat pero katulad din ni Angel hindi porke mayaman e matapobre, mabait din ito.

Si April Chua,  half filipino ,half chinese anak ng mayaman nasa ibang bansa daddy nya at doon nagpapa lago ng negosyo umuuwi naman yung daddy nito buwan - buwan. Yung mommy nya naman Nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya.

At si Ellen Magsino, Kakalipat nya lang dito sa School namin, Mag iisang taon na namin syang kaibigan, isang maykayang probinsyana, taga Aklan sila lumipat dito sa Manila para mag tayo ng Negosyo isang Mini mart. 

Masaya naman ang buhay estudyante...

Kaen, Tulog, Aral, Gala,Kaen, Tulog, Aral,Gala. Ganyan lang araw-araw.  Ang saya diba? ☺

----

Nandito ako sa Canteen ginagawa ko yung lecture na di ko natapos kanina, kakatapos lang kasi ng Last Subject. Uuwi nadin ako maya maya.

Alexa alexa!  Ang tawag ng Friend kong Si Ellen.

Oh bakit?  Bat parang pagod na pagod ka?”

Nakita ko kasi yung boyfriend ko may kasamang ibang babae, at takenote HHWW pa :( ” 

What's new? Ganyan naman palagi Ellen e, Lagi ka nalang nyang niloloko pero ikaw sige ka padin,Madami namang iba dyan, Maganda ka naman maputi, makinis, maraming magkakagusto sayo, bat di mo pa sya iwan?” Tanga mo friend” Yan ang pa ulit ulit kong sinasabi kay Ellen. 

“Alam mo namang mahal na mahal ko sya diba?” naiiyak na sabi nito

Oo alam ko pero matuto ka namang mahalin sarili mo, e paulit ulit ka lang nyang sinasaktan diba? Wake up Girl, madami pang lalaki dyan lumingon ka lang sa paligid mo, wag kang mag focus kay Nikko” Ang sabi ko sa umiiyak nang si Ellen.

“Okay. kahit masakit, I’ll Try. Makikipag break na ako sa kanya”  :(

Oh Come on sana nuon mo pa naisip yan. Well Goodluck. Good for you Ellen. Wag kana ngang Umiyak pumapanget ka. Tara nga Punta tayo sa Mcdo, Libre kita ng Mc Sundae ” 

For the first time♥ ( Tagalog Comedy Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon