Where's The Love <3

37 1 2
                                    

Writter: Markarvin Panaligan @TrueMarkyLiit 

Itong Kwento ay para sa aking minamahal na si _ _ _ _ _ _. ?

Basahin niyo nalang Sana Magustuhan niyo ITO. <3

.

.

Chapter 1

“Kung hindi ka kayang ipagtanggol ng boyfriend mong kasing payat ng tipaklong, iwanan mo na siya, I’m volunteering myself to be his replacement.” He winked.

The Face! Ang kapal! “Kahit payatot ang boyfriend ko, mahal ko ‘yun at mahal niya ‘ko! Period.” Zari said and walked away.

Gusto niyang kalmutin ang gwapong mukha ng lalaking basta na lang sumira sa moment niya. Ilang araw niyang pinag-ipunan ang pambayad sa mga inupahan niyang magpapanggap na ho-hold up sa kanya habang kasama ang boyfriend niyang si Henry. Pero hayun at inunahan na ng nagpapanggap na ‘Knight in Shining Armor’ ng mga damsel in distress.

“Magkikita tayo ulit, and you’ll be looking for me.” Habol ng lalaking nagligtas ‘kuno’ sa kanya. Ay! Hindi lang pala ito makapal, nuknukan ng kakapalan!

And she can’t believe herself that she’ll actually be looking for him literally, dahil nakuha nito ang isang bagay na napakaimportante sa kanya. She couldn’t believe it herself that she would actually look for him. Would she be able to get that precious thing back when he’s unwilling to give it up?

WALANG ipinagkaiba ang araw na ito kay Zari, at sanay na siya. Umagahan palang ay katakot –takot na litanya na ang inaabot niya sa amang si Camilo. Mula nang maging nobyo niya si Henry ay nagsimula na ang kalbaryo ng buhay niya mula sa mga mapanglait na salita ng ama. Kahit ilang beses pa niyang ipagtanggol ang boyfriend mula dito at sa kanyang kuya ay walang epekto. Anong klaseng nobyo daw ba ang nadampot niya? Mukhang sa isang ihip lang daw ng hangin ay liliparin na ito. She pouted. Hindi naman basehan ang itsura ng tao at pangangatawan para sabihing hindi siya nito kayang ipagtanggol. Mahal niya si Henry, dito lamang niya nalaman ang kahulugan niyon at handa siyang nguyain at lunukin ang mga nakakabinging salita ng pamilya patungkol dito.

“Baka naman mamaya niyan Zari ikaw pa ang magtanggol sa boyfriend mong mukhang tipaklong?” tumatawang sabi ng kapatid niyang si Czed. Isang matalim na irap ang ibinigay niya dito. Imbes na maintindihan siya nito’y ginagatungan pa nito ang ama nila.

“Palibhasa kuya ang problema sayo hindi ka pa nai-inlove kaya ka ganyan.” Balik biro niyang sabi dito.

“Bakit? Paano mo naman nasabi na inlove ka nga sa tipaklong na ‘yun?”  natameme siya. Hindi din niya alam, basta mahal niya si Henry tapos! Napalabi siya. Kahit kailan talaga hindi ito magpapatalo pagdating sa buskahan.

“Mabuti pa ay bilisan mo na kumain riyan dahil baka sa gutom ni bulldog ay mapagkalamang buto si Henry.” Sabat ng ama na ang tinutukoy ay ang boyfriend na naghihintay sa balkonahe nila kung saan naroon din ang alaga nilang aso. Napanguso siya sa sinabing iyon ng ama. Ganoon na ba kapayat si Henry para pagkamalang buto? Napasimangot nalang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Kung magsasalita pa siya ay paniguradong hindi din titigil ang mga ito.

 

MASAMA ang loob na tila nagsusumbong niyang ikinuwento sa kaibigang si Lorie ang mga sinabi ng ama patungkol kay Henry. Kasamahan niya si Lorie sa restaurant kung saan siya nagtra-trabaho. Mula ng magtrabaho siya sa dito ay ito na ang kanyang naging matalik na kaibigan. Mabait ito at mapagkakatiwalaan sa kabila ng prangka nitong pananalita, at ang umagang iyon sa trabaho ay normal na ang kanyang paglalabas ng sama ng loob dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Where's The Love &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon