Ricci's POV
Sacrifice
Madaling sabihin, pero napakahirap gawin. Hindi lahat ng tao ay kayang magsakripisyo lalo na kung ang isasakripisyo nila ay ang kasayahan nila, ang mahal nila.
Aaminin ko na nagalit ako dati kay Irish dahil isinakripisyo niya ang pagmamahalan namin para lang sa akin. Pero ngayon, I totally understand her.
Minsan kailangan mong magsakripisyo para sa taong mahal mo, kahit na pareho lang kayong mahihirapan at masasaktan.
Alam kong nasasaktan ko ngayon si Irish pero sa tingin ko ay ito ang tamang gawin. Para sa kaligtasan niya.
Noong maaksidente kaming dalawa at mawalan ng preno ay alam kong hindi iyon aksidente. Pinaimbestigahan ng mga kaibigan at kapatid ko nangyari sa amin at nakita nga na may nagtanggal ng break ng kotse ko kaya kami nabangga. Pinakiusapan ko ang mga kaibigan ko na sana ay wag na malaman ni Irish dahil ayoko siyang mag-isip pa.
Sobrang natakot ako noon dahil alam kong nadamay lang si Irish. Ako lang naman talaga ang puntirya ng kung sino mang gumawa nun. Aaminin ko na hindi ako ligtas. Napakarami kong natatanggap na death threats pero hindi ko lang iyon pinapansin, hanggang sa mangyari nga ang aksidente.
Hindi ko kayang makita na napapahamak si Irish dahil lang sa akin. Kaya naman noong bumisita siya sa akin sa ospital ay iba na ang pakikitungo ko sakanya. Gusto ko siyang yakapin noon pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa mga sandaling iyon ay buo na ang desisyon ko. Dapat lumayo na sa akin si Irish.
Kaya naman gumawa ako ng mga bagay na magiging dahilan para magalit siya sa akin.
Flashback...
"Ricci, hindi kaya ng konsensya ko na makitang may nasasaktan ng dahil sa akin." Sabi ni Nicole na mukhang nahihirapan na sa malaking pabor na hiningi ko sakanya.
Kasalukuyan kaming nasa condo ko at nakaupo sa sofa habang serysong nag-uusap.
"Boss kita at kaibigan, kaya pumayag ako na magpanggap na tayo. Pero noong makita ko kung gaano nasaktan si Irish... Sobra akong naawa sakanya." Dugtong niya.
Napapikit ako ng mariin bago tumingin kay Nicole na problemado. "Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan nung makita ang reaksyon niya nung nakita niya tayong naghahalikan?" Kalmado kong tanong.
Sobrang nadurog ang puso ko noon dahil umiiyak siya dahil sa akin!
"Alam kong, oo! Kaya nga tigilan mo na 'to." Pagmamakaawa niya. "Baka may iba pang paraan, Ricci."
"Wala na akong naiisip na iba pang paraan para layuan ako ni Irish. Ito na ang pinakamabilis na paraan." Matigas kong sambit.
Si Nicole ay isa rin sa malalapit na kaibigan ko. Sakanya ako humingi ng tulong at sinabi na gusto kong magpanggap na kami para masaktan ko si Irish.
Napatigil kami sa pag-uusap nang padabog na nagbukas ang pinto ng condo ko. Nakita ko ang bahagyang nagulat si Nicole habang ako naman ay kalmado lang.
My brother's here, huh.
Inaasahan ko na talagang susugurin niya ako.
"Get out of here." Rinig kong matigas na sambit ng kapatid ko kay Nicole.
Di ko maiwasang mag-init ang ulo dahil sa ginawa niya. Nakiusap lang ako kay Nicole kaya kung maari ay ayokong may magalit sakanya na kung sino man. Ako ang humihingi ng pabor dito.
"Gelo." Saway ko sakanya pero di niya lang ako pinansin.
"I said, get out of here!" Malakas niyang sigaw habang nakatingin pa rin sa babaeng kaharap ko.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.