"Oh! Ma... saan po kayo galing? Bakit kasama nyo ang driver ni papa?" salubong na tanong ni Diane sa ina habang dala-dala nito ang pagkain para sa apat..."I-Iha sino.... sino ang mga lalaking yan dito....ba-bakit a-andito s-si S-steven?" nauutal na tanong ni Donya Emma sa anak habang nakatingin kay Derick....
"Ma..."
"Good afternoon ma'm!" bati ni Derick kay Donya Emma ng makalapit na ito kila Donya Emma at Diane at dahil dito ay mas lalo pang napatulala si Donya Emma.
"STEVEN!!!!!" wala sa sariling bigkas ni Donya Emma na siyang kamot ng ulo ni Derick at pagngiti nito... parang nahulaan narin ni Diane kung bakit ganoon ang reaction ni Derick kaya agad-agad na nagpaliwanag ito sa kanyang mama...
"Ma, hindi po sya si Steven....." pagtatama ni Diane sa mama nito.
"Hi-Hindi siya si Steven..."
"Ma." tawag ni Diane sa ina at.... "Derick meet my mum Emma Villasis... Ma meet my friend Derick Villarama." pakilala ni Diane sa dalawa.
"Nice meeting you ma'm!" saad ni Derick dito sabay abot ng kamay nito para makipagkamay ito sa Donya...
"Ni-nice me-meeting you too I-Iho." nauutal na sagot ni Donya Emma kay Derick sabay abot ng kamay nito para makipagkamay din dito.
"Ops! sorry... ako na magdadala nyan sa mga bata?" agaw pansin ni Derick sa dala-dala ni Diane na mga pagkain... "Excuse me po."
"Ah! ok thank you Derick..." sagot naman ni Diane dito sabay abot ng mga pagkain para sa kanila...
"Mauuna po muna ako... gutom na po kasi ang mga bata..." paalam ni Derick dito na kinatango naman ni Donay Emma.
Pabalik na si Derick sa kinaroroonan ng mga bata ng makita nyang tumatakbo ang mga ito papalapit sa kinaroroonan nilang tatlo...
"Grand....Grand...."
"Grand....Grand...." sigaw ng dalawang bata papalapit sa kinaroroonan ng lola nila sabay halik sa magkabilang pisnge ng Donya.
"owww... ang mga apo ko!" wika ng Donya sabay halik sa mga ito,.
"Daddy is that our merienda?" baling na tanong ni Stephanie kay Derick na nakatingin sa pagkaing dala nito at dahil sa pagtawag ni Stephanie kay Derick ng daddy ay napatingin si Donya Emma sa anak nito na nakangiti sa mga apo nito.
"Anong nangyayari dito sa mundo bakit..... bakit kamukhang kamukha ito ni Steven Robles? Siya lahat pati ang boses nito... alam kung hindi madalas ang pagkikita namin ng binata noon pero I'm sure.... hindi!!! baka nagkakamali lang ako... kung siya si Steven Robles dapat kilala niya na kami ng anak ko... pero hindi!" sa isip ni Donya Emma.
"Sige na Iho, ma-mauna na kayo doon sa harden at mag-uusap lang kami ni Diane." utos nalang ni Donya Emma kay Derick, at nauuna na nga sila Derick at ang dalawang bata sa garden kung saan naghihintay si James....
"Bro.... so finnaly you meet Diane's mother now..... at base sa nakita kung reaction ng Donya... I think... I know what is in her mind now?" paunang tanong ni James dito na mailapag nito ang pagkain sa center table sa harden.
"Yes bro..... she called me Steven too..... and her eyes... its look like they saw a ghost sa katauhan ko..."
"Thats it bro...." tanging nasabi ni James dito....
"What do you mean?"
"Nothing.... I just thinking.... what if.... what if you and Steven is a same person..... what are you going to do?" wala sa sariling tanong ni James dito na siya na mang kinailing din nito at.... "No.... malabo eh.... you grew up in New York even though nameet lang kita six years ago.... I know your not the same that person as Steven." bawi pa nito.