TWENTY FOUR
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog, pilit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Paano nga ba kung may nangyari na sa amin ni Axcel? Magbabago kaya ang lahat kung sakali? Alam kong may iba na akong nararamdaman para kay Axcel pero hindi ko magawang maamin sa sarili ko kung ano ba 'yon, dahil natatakot ako.
Natatakot akong malaman ang hinala ko dahil alam ko sa sarili kong masasaktan lang kaming dalawa kung sakaling lumala pa itong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya.
Huminga ulit ako ng malalim at tsaka ko siya tinignan sa may gilid ko na mahimbing ng natutulog. Mahigpit siyang nakayakap sa akin at mahina na rin siyang humihilik. Marahil ay napagod siya kanina kaya madali siyang nakatulog. Kumportable rin kasi siyang matulog lalo na't katabi niya ako.
Marahan kong hinawi ang makapal at bagsak niyang buhok na humaharang sa mukha n'ya. Marahan ko rin hinawakan ang mukha n'ya at kahit na patay na ang ilaw, may mumunting liwanag na tumatagos mula sa bintana ang nagbibigay ilaw para makita ko ang mukha n'ya. Naramdaman ko ang mga papatubong balbas at bigote n'ya sa palad ko. Mas lalo siyang nagmumukhang matured dahil doon at mas lalong lumilitaw ang pagkalalaki n'ya kapag may balbas siya. Maraming beses ko nang natitigan ng ganito si Axcel at kalamitan doon ay kapag natutulog siya ng mahimbing. Pinasadahan ko ng aking mga kamay ang matangos niyang ilong pababa sa kanyang manipis at mapupulang mga labi. Tumigil ang mga mata ko sa mga labi niya. Nakaawang iyon at tila ba inuudyukan akong halikan ang mga mapupulang labi n'ya.
I gulped the lump formed in my throat when I imagined his lips kissing mine again. Napailing ako ng wala sa oras dahil sa pag-iisip ng ganoong bagay. I sighed again.
"Bakit hindi ka pa natutulog?" Bigla akong natigilan ng magsalita si Axcel. Medyo paos pa ang boses nito na halatang kakagaling lang sa pagtulog.
"I can't sleep." Sagot ko sa kanya. Nakadilat na ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Napakalapit namin sa isa't isa at kaunti na lang ay maglalapat na namang muli ang mga labi namin.
"Sleep, I'll hug you." Saad niya at tsaka mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"Ikaw ang matulog na, naistorbo pa ata kita." Sabi ko sa kanya.
"You did not. May iniisip ka ba?" Tanong n'ya sa akin. Ngumiti ako at tsaka umiling.
"Wala, I'm okay. Iniisip ko lang na tatanda ka na naman." Nakangiti kong sabi sa kanya. Ilang araw na lang at kaarawan na niya. Wala pa rin akong maisip na mairegalo para sa kanya.
"Yeah, I'm growing up and I'm with you every time it happens." Saad niya. Bigla siyang kumilos at inihiga niya ang ulo ko sa matigas niyang braso at iniyakap niya ang braso ko sa katawan n'ya. I suddenly felt his muscled body. Bigla ay parang nag-init ang katawan ko sa posisyon naming iyon.
"You smelled good." He said then he nuzzled my hair. Kinurot ko naman iyong nipples niya.
"Ayan ka na naman." Sabi ko sa kanya.
"I can control myself, sweetheart." Saad niya. Naramdaman ko ang pag-halik n'ya sa may ulo ko.
"Matulog ka na, maaga ka pang aalis bukas." Sabi ko sa kanya. Ipinikit ko na ang mga mata ko at pinakaramdaman ang tibok ng puso n'ya. Hindi na siya sumagot at niyakap n'ya lang ako ng mahigpit.
There will be always a lie in believe, an over in lover, an end in friend, an us in trust and if inlife.
*
"Hindi ka ba kumain kaninang tanghali?" Tanong ko kay Axcel habang pinapanood ko itong panay ang subo sa kutsara ko. Umiling siya habang ngumunguya.
BINABASA MO ANG
Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media)
RomancePublished Under Summit Media, Pop Fiction. (What If It's Love) A story where forever doesn't exist. #BSS3