CHAPTER 30

18K 370 4
                                    



"Steven!?" ulit uli ng mama ni Danrick.

"Magandang gabi po Aling Paz." bati ni Derick sa ginang na nakatulala pa ito sa harapan ni Derick.

"Danrick anak.... Danrick iho lika nga dito.. pakikurot naman si mama mo, baka nanaginip lang ako?" utos nito sa anak, at lumapit naman si Danrick sa mama nito at....

"Bakit Ma?"

"STEVEN!?" gulat din ni Danrick pagkakita kay Derick na nakatayo sa pintuan nila.... "Ikaw ba yan!? Ikaw ba talaga si Steven ang kaibigan ko.... ang best friend ko." naiiyak na tanong ni Danrick dito.

"Danrick pare!" saad ni Derick dito... "Its me."

"Steven!!! sabi ko na nga ba buhay ka!" hindi na napigil ni Danrick ang sarili at sinugod na nito ang kaibigan ng yakap at iyak dito... "Pare, sabihin mong hindi ako nananaginip.... sabihin mo pare." saad ni Danrick kay Derick habang nakayakap dito at patuloy din ang pag-agos ng luha nito.

"Pare your not... buhay ako... buhay na buhay." sagot narin ni Derick dito at yumakap narin sa kaibigan, magsasalita pa sana si Danrick ng....

"Iho...." singit ni Donya Caroline dito...

"Aling Carol!?" gulat ni Danrick dito.

"Carol?" sabad naman ni Aling Paz dito pagkakita kay Donya Caroline.

"Paz!" saad naman ni Donya Caroline dito...

"Carol paanong... " hindi na naituloy ni Aling Paz ang sasabihin nito bagkus ay bumaling ito sa anak nito...

"Danrick anak... papasukin mo muna sila dito sa loob ng bahay." utos ni Aling Paz sa anak nito.

"Ay! Oo nga pala pare, tita pasok po kayo?" sang-ayon ni Danrick sa mama nito at umalis ito sa pagkakaharang sa pintuan at pinatuloy ang mag-anak...

"Tuloy po kayo sir..." baling naman ni Danrick kay Don Philip Villarama, na ngumiti dito.

"Iho... huwag mo akong tatawaging sir Tito narin o kaya'y papa narin, dahil sa nakita ko... talagang importante sayo ang anak ko, at talagang mahal na mahal mo ito." saad naman ni Don Philip kay Danrick na siyang nagpakamot ng ulo ng binata.

"Eh! tito..... sabay po kasi kaming lumaki ni Steven este Derick po pala, at siya lang ang kaibigan ko po dito noon hanggang ngayon." pagbibigay alam naman ni Danrick sa Don.

"Salamat Iho dahil isa kang tapat na kaibigan ng anak ko."

"Wala po iyon tito." sagot ni Danrick dito at sila'y nagtungo na sa sala, kapwa hindi pargin makapaniwala ang mag-ina sa kanilang nakikita.... kaya binasag na lang ni Donya Caroline ang katahimikan sa loob ng bahay ng mga Guzman.

"Paz, si Philip asawa ko at tatay ng anak kong si Steven, Philip mahal ko, si Paz Guzman kaibigan ko dito sa Bulacan." pakilala ni Donya Caroline dito, at basag narin nito sa katahimikang namamayani sa kanilang apat.

"Kinagagalak ko po kayong makilala Don Philip, kala ko po sa tv ko lang po kayo makikita, at hindi po ako makapaniwala na kayo ang ama ni Steven." pahayag ni Aling Paz na kinangiti ng Don.

"Ako rin Paz, masaya akong makilala kayong mag-ina na naging parte ng buhay ng mag-ina ko.... Salamat!" saad naman ni Don Philip dito, sabay tingin kay Danrick.

"Tito, ako nga po pala si Danrick, kaibigan po ni Steven." pakilala ni Danrick sa sarili nito kay Don Philip.

"Oo iho, kilala na kita.... sa wakas iho nakita narin kita ng personal... pasensiya ka na iho dahil noon paman pina-imbistigahan na kita... para kung bumalik man ang alaala ng anak ko, andyan ka para matakbuhan niya." saad pa ni Don Philip dito

DERICK VILLARAMA "THE PROMISE OF LOVE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon