Kabanata 8
Student
Life was a master manipulator, providing us with infinite possibilities to give us false hopes; only to remind us how powerless we actually are against it.
That no matter how much we try to be in-control of what should happen with our every day situation, it will always try to throw us off, just to test us.
And I think I've lived enough to say, that life will always have its own ways of forcing us to bravely deal with problems we created for ourselves.
And there is nothing that I hated more... than not being in-control.
"Lala, ikaw daw ang gumising kay Sir Killian sabi ni Mayordoma," ani Lea, pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto naming apat. "Magsimula ka na raw agad sa paglilinis sa mga common, pagkatapos."
Lihim akong napabuntong-hininga.
"Sige," sagot ko sabay tingin sa orasan. "Anong oras ang inutos?"
"Alas-sais daw, e."
Tumango ako nang makitang may trenta minuto pa naman bago ang oras na isinaad, at tumabi na sa kanila para sumabay sa pag-almusal.
Napansin ko kaagad ang bulong-bulungan at paghagikhikan nina Ana at Mae.
"Huy!" sita ni Lea sa kanila. "Hala sige, mapagalitan nanaman kayo ni Mayordoma!"
"Ito talaga, paka-KJ!" irap ni Ana sa kanya. "'Di naman siguro aabot boses natin sa kusina, ano."
"Bawal nga raw kasi..."
"Sus, Lea, ayaw pang umaming na-po-pogi-an ka rin naman!" si Mae, sabay baling sa akin na nangingisi. "'Di ba, Lala? Ang po-pogi?"
Tumikhim ako at mayuming tumango, dahil totoo naman na kasi. Lumapad lalo 'yong ngisi nina Mae at Ana.
"Tingnan mo, si Lala na ang nagsabi, o. Ikaw lang talaga Lea," irap ni Ana. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit bawal silang pag-usapan, e pinupuri lang naman natin si—"
"Sinong pinupuri?"
"Si—si Piolo! 'Yong hardinero po ng kapitbahay, Mayordoma," sagot kaagad ni Ana. "'Yong nanliligaw po kay Lea!"
"Aba't!—" si Lea, but Mae was fast with covering Lea's mouth to cut her off.
Matalim na kaagad ang tingin ni Mayordoma sa amin nang pumasok ito sa kusina.
"Sinong manliligaw 'yan Lea? Bawal ang nagpapapasok ng kung-sinu-sino rito!"
Napangiwi kaming apat doon, ngunit si Lea lang yata 'yong namumula.
"Opo, Mayordoma," sagot naman nito sabay yumuko.
Pareho naman na napakagat-labi sina Ana at Mae, nagpipigil ng mga ngisi. Habang ako'y medyo mas binilisan na ang pagsubo nang matantong ako yata 'yong binalikan dito ni Mayordoma.
Nakumpirma ko lang nang sa akin na siya mismo lumingon.
"Bilisan mo na ang pag-kain, Lala't mag-a-alas-sais na," banta ni Mayordoma sa akin. "Magsepilyo ka pagkatapos at sabay na tayo papa-mansyon."
Tumango naman ako at lumagok na muna ng tubig, bago tumungo sa lababo para hugasan ang aking mga pinagkainan.
"Kayo naman na tatlo, bilisan niyo ang paglilinis at may papapuntahin nanamang bisita si Madam," mariing untag ni Mayordoma. "'Wag nang mag-aksaya ng panahon sa pag-haharot!"
BINABASA MO ANG
Behind Curtains
General FictionLayla Lagdaméo was her parents' biggest investment, and their biggest flaw. Panganay, matalino and belonged to a working middle class family, Lala was well-informed of her parents' daily sacrifices just to prioritize her comfort. Ngunit, anong ginaw...