SinamantalaKasabay nang pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng mainit na likido sa aking pisngi,
Tila naalala ang mapait na nakaraang bumabalot sa naging yelong pagkatao ko sa kasalukuyan
Napapatulala nalang sa isang napakabigat na nararamdaman,
Kailangan ko ng maraming anesthesia para maging manhid sa sakit na nadaramaHumigop ng hangin at ibinuga
Heto nanaman,
Patuloy na naglalaro sa aking isipan
Mga ala-alang di malilimutan,
Ang isang napakalagim na bangungot nang nakaraanHindi maalis sa isip,
Ang malaking ngiting gumuhit sa'yong labiAng saya mo habang pinaglalaruan ako,
Kasama 'yang mga gunggong na tropa mo
Sa sobrang saya niyo,
'Ni pagnginig ng katawan ko't paghikbi balewala lang sa inyoAno? Umaapaw na ba?
Umaapaw na saya na ba ang inyong nadarama sa ginawa niyong pananamantala?
Sa 'ni singkong duling na tulad ko'y walang halagaDiba plastic na laruan?
'Yan ang turing mo sa'kinSabagay,
Ako rin 'tong si inosenteng walang alam
O sa madaling salita,
Ako 'tong si t*nga na nalinlang,
Nalinlang sa mga salitang kaytalim,
Na parang libo-libong kutsilyong sumaksak ngayon sa naghihingalo't nagdurugo kong pusoAko 'to si t*ngang nalinlang,
Nalinlang sa ngiti mong kaytamis na sa kasalukuya'y nilalanggam
Na kumakagat at nag-iiwan ng masasakit na bakas
At tila 'di na alam kung paano pa haharapin ang bukasIlang boltaheng kuryente ba ang nasa katawan mo?
'Sing init ba ng apoy ang mga katawan niyo't ganun nalang kadaling pagrausan at pagsamantalahan ako?Binahiran niyo ng dumi ang aking pagkatao,
At heto ako ngayo'y pinipilit tanggalin ang mga mantsa kahit wala nang natitirang pag-asaPagtapos ng bangungot nang gabing yaon diko na gugustuhing magpakita pa sainyo,
Hinding-hindi na muliMagbibilang ako,
Isa
Dalawa
TatloHanggang...
Tatlong araw,
Tatlong linggo,
Tatlong buwan,
TATLONG TAON
Oo, tatlong taon na din ang lumipas,
Tila'y parang kahapon lang dinanas
Siguro hihintayin nalang ang araw na ako'y makalaya,
Makalaya sa bangungot nang nakaraan
Ang sakit,
SOBRANG SAKITGusto mang kitilin ang sariling buhay , Pero hindi kaya alang-ala sa isa pang buhay
Isa pang buhay na magbibigay sa'kin ng panibagong pag-asa para ituloy ang pag-agos ng buhayMaraming pangarap man ang nawakas ,
Maraming pangarap man ang hanggang pangarap nalang
Ako'y patuloy na lalaban,
Ako'y patuloy na magiging matatag para sa aking supling
Siya nalang ang natatanging lakas ko,
Hindi ko hahayaang mangyari sa kaniya ang naranasan ko
Siguro sa kaniya ko nalang ipagpapatuloy ang naudlot na mga pangarap koNawa'y mag silbing aral ito sa mga babaeng 'tulad ko
'Wag na 'wag magtitiwala sa mga lalakeng laruan lang ang turing sa'yo,
Kung ayaw niyong mawakasan nalang bigla lahat ng mga pangarap niyo.All Rights Reserve 2019.