Kabanata 10
"Akala ko ba schoolmate?" patuya ni Nomari.
"Oo, kaibigan ko rin."
"Sus! May kaibigan bang ganoon tumingin? Eh eh, titig na noong lumabas ka sa fitting room, ay!"
"Kasi tinanong ko siya kung bagay ba, Ari. S'yempre titingin 'yon kasi tinatanong ko, 'di ba?"
Siniko ako ni Mandy.
"May gusto 'yan sa'yo! Pusta pa ako bente!"
Sinamaan ko siya ng tingin at nilingon si Caden na nasa likod bitbit ang mga pinamili namin para sa prom night ko.
Ang awkward niyang tignan habang hawak ang mga paper bags pati ang isang malaking box na naglalaman ng gown ko. Malaki naman ang katawan niya at mukhang batak din siya sa pag wo-work out, pero ang out of place niyang tignan habang bitbit ang mga pinamili na may pambabaeng brand na tatak.
Sakaniya kasi inabot nila Nomari ang mga pinamili. Gusto ko naman tumulong pero sa tuwing gagawin ko 'yon ay hinihila ako ng tatlo.
Naninibago tuloy ako. Sa school, kung hindi laptop o punpon ng mga papel ang dala, libro naman, tapos ngayon ayan.
"Where do y'all want to eat?" tanong ni Monday.
Palingon-lingon siya sa paligid habang malikot ang mata. Napatingin din tuloy ako sa paligid.
Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na naka-itim na cap at jacket hindi kalayuan sa pwesto namin. Hindi ko alam kung sa'min ba siya nakatingin kaya kumunot ang noo ko. Hindi naman siya naka-sunod pero nakatayo ito malapit sa pinaghintuan namin.
Napansin ni Caden ang pagtingin ko sa likod. Lumapit siya sa akin at saglit na ibinaba ang mga dala.
"May problema ba?"
"Wala naman. Akala ko lang..."
"Are you sure? Do you want me to check it?"
Lumingon sa akin sila Nomari. Kumunot ang noo ko nang mapansin na nakalingon si Monday sa estranghero na minamata ko kanina bago tumingin sa'kin na parang nagulat dahil nakita ko ang tinitignan niya.
Kilala niya ba?
"Okay lang, 'wag na." Sagot ko kay Caden at tinignan ang mga kaibigan. "Sa shakey's na lang tayo kumain?" pag-iiba ko sa usapan.
"Sige, gutom na rin ako, e."
"Y-yeah, me too." Si Monday sabay angkla sa braso ni Mandy.
"Hanap na kayo ng mauupuan, kami na ang o-order." Si Nomari at hinila si Mandy.
"Huh?"
"Tara na, Mandy. Tayo ang o-order."
"Akala ko—"
"Tayo nga ang o-order. Hanap na kayo ng mauupuan, Vallia."
Bumuntong hininga si Mandy at tinuro ako.
"Kainggit 'yon, Lord, oh?"
Ang isang 'to talaga!
"Paano-"
"Alam ko na order mo, Val." Putol niya sa akin 'tyaka ngumisi at tumingin kay Caden. "Sa'yo ba si Va-ay este, sa'yo, oo? Ano order mo?"
"Katulad na lang ng sakaniya."
"Ay! Kala ko siya na lang din."
Ngumuso ako.
"Joke lang! Tara, Monday, Mandy." Kumaway sa akin si Nomari. "Order na kami!"
BINABASA MO ANG
Scattered Pieces (Alma Mina Series #1)
Fiksi UmumStatus: Ongoing Posted: May 10, 2023 Action | Romance | Crime