Kenzo's POV:
Mag-iisang bwan na kaming nag pa-plano ni Kyra nang para sa kasal pero hanggang ngayon wala pa rin kaming na fa-finalize.
Because I am not cooperating at all..
"Kenzo naman.. Sabihin mo kasi sa akin ang gusto mo.. Naka ilang palit na tayo nang wedding coordinator.. 'Yong una ayaw mo kasi mahal.. 'Yong pangalawa ayaw mo kasi masyadong maarte.. At 'yong ngayon naman binugbog mo 'yong boyfriend nang wedding coordinator dahil lang sinabihan niya si Justine nang maganda.." Sermon ni Kyra.
"Eh bastos eh!" Sagot ko.
"Bastos? Paano naging bastos 'yon? Masama bang sabihan niya na maganda si Justine? Totoo naman 'yon ah? Compliment nga 'yon sa kanya.. Hindi nga nag selos ang girlfriend tapos ikaw 'tong KAIBIGAN lang ni Justine nag selos?!" Tanong niya.
Diniinan talaga 'yong kaibigan ah..
I looked at her.
"Tsss.. Let's stop this.. Okay? For sure marami pa naman tayong makikitang wedding coordinator dyan.. " Sagot ko.
"Oo nga! Marami pa ngang wedding coordinator dyan.. Pero Kenzo sana naiisip mo na 'tong tyan ko palaki na nang palaki.. Hanggang kailan ako maghihintay para sa kasal na 'to? Minsan nga naiisip ko na parang sinasadya mo nang hindi matuloy ang kasal eh.." Sagot niya.
That's.. actually true..
"What?! No! Of course not.. Why would I do that? First and foremost.. this whole wedding thing is actually my idea.." Sagot ko.
She laughed.
"Kaya nga eh.. Nakakatawang isipin na idea mo nga 'to at ngayon ikaw pa 'tong dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy ang kasal.." Sagot niya sabay walkout.
Ayaw ko naman kasi talagang magpakasal..
Ang hirap kapag may mahal kang iba..
------------------------------------------
Justine's POV:
"Hmmmm.. Kung gusto mong magpatayo nang sarili mong clinic, I can help you.." Ika ni Gray.
I looked at him.
Ito na naman siya..
Lagi siyang may paraan sa lahat nang bagay na gusto ko..
Lagi niyang binibigay ang comfort ko..
'Yong madali para sa akin..
Mag-iisang bwan na akong nililigawan ni Gray. Halos araw-araw siya kung pumunta dito sa bahay. He always makes time for me kahit na alam kong busy din siya sa hospital.
I appreciate that..
Pero kasi..
May mahal akong iba..
"Thanks.. Pero sa ngayon kasi 'yong clinic part pa 'yon nang future plans ko.. Sa ngayon aalagaan ko muna ang mga pamangkin ko habang nasa London pa sila Ate." Sagot ko.
Tumango siya.
"Speaking of.. Makakauwi ba sila sa kasal nina Kenzo at Kyra?" Tanong niya.
Wow!
Does he really have to remind me that?
"Siguro.. Kenzo was there during their wedding and I think hindi naman nila matitiis na 'wag pumunta sa kasal niya.. Matalik silang magkakaibigan.. You know that, right?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
SECOND CHANCE | #WATTYS2019 (COMPLETED)
RomanceAng taong mahal niya? O ang isang opostunidad na minsan lang kung dumating? PANGARAP o PAG-IBIG?