Nag-kiss kami ni Geoff. Ay grabe, hindi na virgin ang lips ko!
Tumakbo ako palayo sa kanya pagkatapos kong siguraduhin na totoo ngang nangyari yun.
Argh! Ayoko siyang tingnan! Ayoko siyang malapitan! Nakaka-high blood talaga ang lalaking yun! Bweset!
Sa kakatakbo ko naman, hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa labas ng school kaya hiningal din ako agad. Paano kasi, iniisip ko pa rin yung kiss namin ni Geoff! Waah! First kiss yun sa lips eh!
Ang masaklap pa dun, hindi ko pwedeng sisihin si Geoff dahil ako ang humila sa kanya na naging dahilan ng pagkawala ng virginity ng lips ko!
"Mukhang di ka pa maka-get over sa kiss natin ah," narinig kong sabi ng demonyong boses sa likod ko at tumambad na naman sa'kin ang lalaking gusto kong mabura na sa mundo sa araw na 'to.
"Wag mo nga akong kakausapin!" sigaw ko sa kanya. "Iniisip ko pa kung pano ko tatanggapin na ikaw ang first kiss ko! Yuck!" Natawa ang mokong dun sa sinabi niya at ang sarap niya lang sapatusin ngayon with feelings.
Palibhasa nahalikan niya ako sa mga labi ko! Dinaig pa niya yung ex ko! Yun kasi hanggang kiss lang sa cheeks ang nagawa nun sa'kin. O hanggang sa may gilid ng lips ko! Pinagbawalan ko kasi muna yun na halikan muna ako sa lips hanggang di pa ako 18 dahil yun ang bilin sa'kin noon ng Papa ko. Eh ako naman, masunurin kahit ano'ng petsa na kung saan uso na nga 'yung mga pre-marital sex. Ako pa rin 'yung babaeng parang nakatira sa 1950s.
At saka may prinsipyo din kasi ako nun. Nangako ako nun sa sarili ko na papasok lang ako sa ganung intimate na mga bagay kapag graduate na ako ng high school dahil aware naman ako kung saan pwedeng mapunta 'yung mga halikang ganun. Tapos mataas rin ang standards ko nun sa isang relationship at gusto ko ay nirerespeto ang bawat desisyon ko. Conservative na kung conservative pero buhay ko naman 'to at ako lang ang naman ang may karapatang gawin ang mga bagay na gusto ko. Kaya nga nainip siguro ang gagong yun kaya ayun, iniwan ako.
Tapos biglang si Geoff Alejandre ang magiging first kiss ko sa lips? Seryoso ba yun? Sarap maglaslas!
Hindi naman sa maarte ako dahil may itsura naman si Geoff, pero ini-expect ko kasi na 'yung magiging first kiss ko eh manggagaling sa taong mahal ko. Hindi sa kung kani-kanino lang!
"Yuck talaga? Hindi ba dapat ang sasabihin mo ay ‘Geoff isa pa!?" pang-aasar niya na naman at naasar naman ako dun.
"Ang kapal!" sagot ko sa kanyang namumula na ang ilong sa inis. "Hoy ikaw Mr. Alejandre, pwede ba tigil-tigilan mo 'ko! Lumayo na nga ako sa'yo tapos hinabol mo pa ako! Ayos pa ba 'yang utak mo? Hindi na ako natutuwa sa'yo ah at siguro kung hindi ka lang anak ni Tita Debs ay baka pina-salvage na talaga kita!"
Ngunit mas lalo lang tumawa ang mahal na prinsipeng mokong. "Ipapa-salvage mo 'ko? Bakit may kakilala ka bang mga mamamatay-tao?"
"OO!" pananakot ko sa kanya kahit wala naman talaga akong kakilalang ganun. "Kokontakin ko talaga sila at bibitawan ka lang nila kapag wala ka ng hininga! Ganun sila ka-intense!"
Tumango si Geoff. "Sabagay, mukha ka kasing isa sa mga goons," sabi niya sabay tawa.
Ano raw? Ako, si Florence Gayle Jacinto, BA History, ay mukhang isa sa mga goons? May mukhang goons ba na hinaharana tulad ko? Sinusubukan yata ako ng lalaking ito! Akala niya di ko siya uurungan?
"Kung mukha akong goons ikaw naman mukhang model ng sioktong!" Sabi ko naman sa kanya sabay tawa rin pero hindi naman natawa ang kasama ko. Sumeryoso na siya.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...