Chapter 41- Ang Naging Papel ng Kung Sinuman Bago Ito Mawala

131 6 0
                                    

Perspektibo ni Andre
_____________

5:24 AM, Friday.

"Andre, okay ka lang ba? Pansin ko kasi na mag-tatatlong araw ka nang wala sa sarili. May problema ka ba?"

Ito ang biglang pagtanong ni Xandra sa akin habang pareho kaming nasa kusina. Nakatulala lang kasi ako roon at pinagmamasdan ang paghiwa niya ng mga sibuyas.

"Wala--wala." Pagsisinungaling ko pa sa kanya, dahil ayaw kong mag-alala siya para sa akin—gayong yung mismong teacher ko pala ang may gawa sa mga pamba-blackmail sa akin.

Ilang saglit pa ay narinig kong bumukas ang pinto sa harap. Dumating na pala si Papa. Dire-diretso na itong umakyat, at judging sa itsura niya ay mukhang pagod na pagod ito. Kaya hindi ko na siya inabala pa.

Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanila. Sa palagay ko kasi ay sasabog ako pag kikimkimin ko lang ito. Kinakabahan na ako kahit kay Xandra pa lang. Dahil hindi ko alam kung ano ang magiging end-result nito at baka lalo lang lalala ang sitwasyon.

Hindi pa rin ako makapaniwala na posibleng may involvement si Sir Rodel sa pagkawala ni Ate. Siya ba naman mismo ang nagkusang lumantad. Pero kailangan ko pang magmasid muna sa kanya bago ko ito ipaalam kina Papa.

Yun ang inakala ko, pero hindi ko naman nagawa. Paano ba naman, halos isang linggo nang hindi pumasok si Sir magmula nu'ng kinausap niya ako. Or rather, binantaan kung yun ba ang tawag do'n. Kailangan kong maghanap ng kasagutan—at siya lang ang makakapagsagot sakin.

"Sige, punta na'ko." Pamaalam ko pa kay Xandra.

"Mag-iingat ka." Anya.

----------

Dumating na ako sa school noong umaga ding yon. Pero hindi pa rin pumasok si Sir Rodel, kaya si Ma'am Lisa muna pa rin ang magsusubstitute sa amin—yung pamangkin niyang teacher din.

Si Sir Rodel kasi ang class adviser namin. Mabait naman siya at hindi strikto. Sa katunayan nga, kung nahihirapan kami sa quizzes eh 'di niya pinagkakait sa amin ang clues. May edad na rin ito, mga around late 50's. Kaya ganoon nalang pagtataka ko noong kinonfront niya ako last time. Talagang hindi ko inasahan na marinig ang lahat ng yun mula sa kanya.

"...kaya nahambing na 'Dark Ages' ang 'Middle Ages' dahil walang eksaktong basehan ang mga historian tungkol sa ano talagang nangyari noong panahong yun. Dahil nga ang Europe that time ay tinabunan ng kalamidad. Kaya hanggang ngayon hindi natin alam kung ano ang naging papel ng sinuman bago ito nawala." Pag-tatalakay pa ni Ma'am Lisa sa subject naming Social Studies.

Nasa kalagitnaan kami ng talakayan nang biglang nagring ang bell—recess na naman. Kaya dinismiss na kami ni Ma'am Lisa, at nu'ng makaalis na siya, dahan-dahan na rin nagsilabasan ang mga kaklase ko sa classroom.

Pero kahit na distracted ako the whole period, ay tumatak talaga sa akin ang huling sinabi niya, bago ang dismissal.

...Kaya hanggang ngayon hindi natin alam kung ano ang naging papel ng kung sinuman bago ito nawala...

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon