Maikling Kwento #1

26 3 0
                                    

M♥

----

     'Sa ayaw at sa gusto mo medisina ang kukunin mong kurso, maliwanag?'

      Malinaw pa rin sa isipan ni Ami ang binitawang salitang iyon ng kanyang ina. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari sa ina. Naisip niya na paano kaya kung sinunod niya ang ina. Marahil buhay pa ito kasama niya. Kundi marahil sa katigasan ng kanyang ulo, buhay pa sana ito.

     Bata pa lamang sa Ami, nais na ng kanyang ina na maging doctor siya. Ito rin kasi ang propesyon ng kanyang ina gayundin ng namayapang ama. Ipinanganak na mayaman si Ami ngunit wala lang ito sa kanya dahil para sa kanya, pantay-pantay lang ang tao… walang angat, walang lubog… Ang mga tao lang naman ang nag-iisip na may mayama’t mahirap ngunit ang totoo, WALA.

     Hindi gaya ng ibang anak mayaman, si Ami ay lumaki ng maayos marahil dahil na rin sa pagtruturo ng kanyang nanay Ligaya, ang siyang nag-alaga sa kanya magmula pagbata dahil madalas wala ang ina. Namayapa ito nang siya ay 14 taong gulang.

     Nang makapagtapos siya sa hayskul labis siyang nalungkot dahil sa unang pagkakataon ay magagawa niyang suwayin ang ina.

     “Patawarin niyo po ako pero ayoko po maging dok----,” ito ang kanyang unang linya upang ipaliwanag sa ina kung ano ang nais niya ngunit agad siyang pinutol ng ina at may awtoridad na sinabing,” Sa ayaw at sa gusto mo medisina ang kukunin mong kurso, maliwanag?”

     Hindi mapigilang malungkot si Ami sa sinabi ng ina. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang diktahan nito.

     Nagdesisyon siyang umalis sa kanilang bahay at lumayo muna sa ina. Nangupahan siya at naghanap ng pagkakakitaan dahil hindi sapat ang perang dala niya.

     Isang linggo pa lamang nang siya ay umalis nang mabalitaang nasa ospital ang ina. Agad niya itong pinuntahan ngunit huli na ang lahat…dumating siya na wala na itong buhay. Parang gumuho ang mundo niya ng mga oras na iyon. Wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak at sisihin ang sarili. Nabalitaan din niyang naisanla ang kanilang bahay gayundin ang lahat ng ari-arian.

     Walang natira sa kanya maliban sa mga alaala niya sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito.

     Nagbalik siya sa kasalukuyan nang maalalang may gagawin pa pala siya. Agad siyang nagbihis at umalis. Mag-isa na lamang siya kaya malaya siyang gawin kung ano ang gusto niya. Nagtatrabaho siya sa gabi at nagtuturo sa araw.

     Pagtuturo- iyan ang propesyong nais niya kahit na bata pa lamang siya. Wala siyang ibang hinangad kundi ang maibahagi ang mga kaalamang kanyang natutunan.

     “Ma’am Ami!” malayo pa lamang siya ay dinig na niya ang sigaw ng mga bata. Kumaway siya sa mga bata na agad naman tinugunan ng mga ito.

    “Kamusta kayo? Halika’t magsimula na tayo!” wika niya nang makalapit sa mga bata. Dala ang mga libro na pinag-ipunan niya galling sa kanyang sweldo ay umupo siya sa bato at pinaupo rin ang mga bata. Nagsimula ng magturo si Ami na hindi alintana ang ingay ng paligid lalo na ng mga sasakyang dumaraan at mga taong malakas na nagkukuwentuhan na dumaraan sa tabi nila.

     Hindi mahalaga kay Ami ang lugar kundi ang eagerness sa mga batang matuto…

     Hindi man sila nakaupo sa mga silya,mayroong mga lamesa at nasa isang tunay na silid-aralan.. wala sa kanila iyon.. okay na sa kanila ang tabi ng daan bilang kanilang lugar aralan at mga bato bilang mga silya.

     Oo, hindi lisensyadong guro si Ami dahil ‘di na niya nagawang makapag-aral dahil sa kakapusan sa aspetong pinansyal ngunit para sa kanya.. siya ay isang TUNAY NA GURO. Guro ng mga batang kung tawagin ng marami ay ‘batang kalye’, mga batang walang kakayahang mag-aral sa paaralan at walang permanenteng tirahan, mga batang may mga pangarap din, at mga batang itinuring na niyang pamilya sa loob ng apat na taon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maikling Kwento #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon