Chapter 2
PANGKARANIWANG eksena na sa bar ang halos wild na costumer at mga paraiso girls na pinapasaya ang mga lalakeng ka-table nila.
Napangisi ako habang narito sa taas at kitang-kita ang dami nang costumer ngayon. Umayos ako ng tayo at humarap sa likod ko para sumandal naman ako sa bakal na harang na kaninang kinasasandalan ko. Ngunit sa aking pagharap ay isang bugkos nang bulaklak ang bumungad sa akin.
"Para sa'yo."
Napahinga ako ng malalim at tinignan ang batang estudyanteng si Edward na mula nang araw na dalhin ko sa pad ko ay hindi na ako tinantanan.
"Good boy, sinabi ko na bawal ka rito."
"Kung gano'n ay puwede na ako sa bahay mo magpunta?"
Kinuha ko ang nilahad niyang bulaklak at inamoy. Mamahaling bulaklak.
Ngumisi ako at tumingin sa batang ito. Hinatak ko ang suot niyang necktie ng uniform niya kaya agad na naglapit ang aming katawan. Agresibong humawak siya sa bewang ko habang panay ang lunok at namula ang magkabilang pisngi..
"Tigilan muna ang paghabol sa akin, Good boy. Alam ba nang parents mo ang ginagawa mo?"
Napatiim-bagang siya sa sinabi ko at humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
"I'll never stop chasing you. I like you. At kahit anong gawin ko ay hindi ako mapipigilan ng parents ko."
Pinaglaruan ko ang dulo ng necktie niya sa pamamagitan nang pagpulot ng daliri ko doon. Uminom ako nang hawak kong alak at nang maubos ko iyon ay nilapag ko sa table na nasa gilid ko.
Tumingin muli ako sa batang ito na titig na titig sa akin.
"Hindi ka magsisisi?"
"Hindi."
Hinawi ko ang buhok ko at humawak ako sa dibdib niya at hinaplos. Napakagwapo nang batang ito. At sa suot palang niyang uniporme ay kita na kung gaano rin kakisig ang kanyang katawan.
Tinignan ko siya at panay ang galaw nang adams apple niya dahil sa ginagawa kong paghaplos sa dibdib niya.
"Miss A."
Natigil ako sa ginagawa kong paghaplos kay Edward at tumingin kay Hannah.
"Si Mister Abenson."
Nang sabihin ni Hannah iyon ay agad kong inalis ang mga kamay ni Edward sa bewang ko. Nakita ko sa reaksyon ng bata ang pagkalito.
"Umalis ka na, Good boy. Marami pa akong gagawin."
"Pero--"
Pinigil niya ako kaya tinignan ko siya na may pagbabanta.
"Sinabi ko na ayokong makulit."
"I'll wait for you outside."
Hindi ko alam kung bakit napakakulit niya. Tinataboy ko na siya pero mas ginagawa parin ang gusto. Minsan ay nakakairita na.
"Tila patay na patay sa inyo ang batang iyon, Miss A."
Umiling ako sa sinabi ni Hannah..
"Hindi ako kailanman papatol sa bata. At kung papatol man ako ay doon sa mapapakinabangan ko lang."
Natawa nalang si Hannah pero hindi ko na pinansin at tumungo na ako kung nasaan si Mister Abenson.
Pagpasok ko ay tahimik ang opisina nito. Nakita ko siyang nakaupo sa kanyang recliner habang nakatanaw sa mga costumer na nagkakasiyahan. Kita mula rito ang ibaba nang bar lalo't double mirror ang pader kung saan kita ang labas ngunit hindi ang loob ng opisina ni Mister Abenson.
BINABASA MO ANG
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING
General FictionSa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagta...