"JACINTHA, pauwi na ako."
Lalong nangulit ang kaibigan. "Sige na, alam kong pagod ka pero kailangan ko talaga ang kaibigang tulad mo."
"Sige na nga. " Sumuko rin si July. "Pero, bukas na tayo mag-usap. I really need rest."
"Okay!"
Nahihiya man ay binalingan pa rin niya si Vince. "Kay Jacintha tayo pupunta, Vince. Pinapupunta kasi niya ako."
"Ah, sige! Malapit na rin siyang ikasal, right?"
Masayang tumango si July. "Lumiliit na ang mundo ninyong mga single." Pagbibiro niya sa ex.
Ngumisi si Vince. "You are not updated to my profile, July. I met this girl in Palawan. She is a chef. I think it will be a click."
Masaya si July sa kanyang narinig. Ito ang matagal na niyang gustong marinig buhat dito. Nais niyang maging masaya rin ang binata sa buhay nito. "Really, masaya ako para sa iyo."
"Magiging masaya din ako kung tuluyan ng mawala ang mga negatibong reaksiyon sa pansamantala ninyong paghihiwalay ni August ng bahay. Ayaw ko na ring magtanong ng dahilan, July. I just wish you to be happy."
"Salamat talaga, Vince."
"EMERGENCY?" Ito agad ang bungad ni July sa kaibigang nagbukas ng pinto. Nakaalis na rin si Vince dahil sa pagpupumulit nitong huwag ng hintayin na buksan ni Jacintha ang pinto ng bahay.
Natigilan si July pagkatapos nitong pagmasdan ang aura ng kaibigan. Katulad ng dato ay masigla itong tingnan. Hindi kagaya niya na nanlalambot. Nakatulong ang pagkain niya kanina para mabuo ang kaunting lakas ng katawan.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Pansin ni Jacintha.
"Ako ang magtatanong na kailangang sagutin mo ng maayos. Anong kadramahan ito, Jacintha?"
Nakuha agad ng dalaga ang mensahe ni July.
"Excited lang akong makita ka. Marami akong mangga diyan at may bagoong alamang pa. Kain tayo?"
Namilog ang mga mata ni July sa narinig. Tila napawi ng mabilis ang pagtatampo niya sa kaibigan dahil sa mga nakakalaway na pagkaing sinabi nito. "Pero, may atraso ka pa sa akin mamaya. Kumain na tayo, tapos, matutulog muna ako sa kuwarto mo. Kailangan kong magpahinga."
"Dapat lang naman, dahil nakakasama sa buntis ang kulang sa tulog."
Muling natigilan si July. Something is not right.
"Paano mo nalamang buntis ako? Hindi ko pa sinasabi sa iyo." Mabusising saad ni July sa kausap.
"Sinabi mo."
"Hindi ako ulyanin, Jacintha. Hindi ka ninang sa baby ko kung ayaw mong sabihin ang totoo." Pagbabanta nito.
Mabilis na umamin si Jacintha. Nagtatanong ang mga mata ni July na tumitig sa kaibigan.
"Teka, kay August ang isang sasakyan na naka-parking diyan." Hindi na nagtanong si July. Lantaran niyang sinabi sa kaibigan ang bagay na iyun.
"Hindi. What the hell! Sinabi ng laklakin ang alak, hindi ihampas na naman sa pader!" Nakatingala sa itaas si Jacintha.
"Si August?" Hindi niya napigilan ang mag-alala din para sa asawa. Nauna na siyang humakbang pataas.
"Dahan-dahan, July!"
Bagamat narinig niya ang pagpigil ng kaibigan ay hindi niya alintana iyun. Nabuhay ang kanyang adrenalin para hindi maramdaman ang maselang paglilihi. Nagmamadali man siya ay maingat ang bawat paghakbang niya sa hagdan.
BINABASA MO ANG
DRIDE IN HIS DARK MANSION (Unedited Version)
RomantizmThis novel is to be published under Heart Romances which is a page I'm writing since 2013.❤ July hates every details of it! Hindi niya tinanggap ang tatlong million para gawing nakakatawa at nakakatakot ang kasal niya sa nakakatakot ding pag-uugali...