NAGNGINGITNGIT si Veniz sa harap ng pinsang si Carol. Hindi totoo ang kanyang natanggap na balita. Isa lamang itong bangungot na kapag nagising na siya ay babalik na ulit ang dati.
"Paanong nangyari, Carol? Villaluz Empire own the biggest supermarket in the region! And all the provinces of Cagayan Valley Region have VE Supermarket!"
Ibinigay ni Carol ang folder sa pinsan. "But our sales are very low, Veniz. At---"
Tumaas agad ang isang kilay ng dalaga. "What is it again, Carol?"
"Maraming nagastos sa gusto mong renovation sa building type ng supermarket. Some shareholders are now complaining. May tatlo na ring gustong ibenta ang kanilang shares."
"Great! I will buy all the shares! Para madagdagan ang shares ko at ako pa rin ang magiging CEO."
Tila nadagdagan ng limang taon ang edad ni Carol samantalang pareho silang twenty seven pa lamang ng pinsang si Veniz. Magkapatid ang nanay nila.
"You can't, Veniz. May pinakamalaking shares ang gustong kumalas sa Empire. Besides, kulang ka sa pambili dahil may mga investments ka pa sa ibang business."
"Make a way, Carol. Magaling kang accountant. Suma cum laude and topnotcher sa board exam!"
Hindi makapaniwala si Carol na pati ang mga iyun ay kailangang sabihin ng kausap na pinsan. Pera ni Veniz ang pinag-uusapan dito. Kahit lipulin niya lahat ng mga pinakamatalinong accountant ng buong mundo ay walang magagawa sa gustong mangyari ni Veniz dahil kulang na kulang na ito sa resources.
Nagdilim ang mukha ng dalaga nang may biglang maalala. "Hindi sana malulugi ang negosyo kung hindi tayo ninanakawan ng ibang empleyado! At masyadong mataas ang kanilang mga demands!"
"Veniz, wala silang kasalanan sa nangyari. Thr best thing to do is to let the shareholders to sell their sells at magsara ng ilang branches. Madyadong malaki ang lugi ng kompanya at hindi magtatagal ay tuluyan nang malulubog ang Villaluz Empire."
Nanggigil na hinawakan ni Veniz ang ballpen nito. "Walang magsasara na branch, Carol!"
"Temporary lang naman, Veniz. Kung makakabangon na ulit ang kompanya ay tuloy na ulit ang operasyon."
"Lalong hindi gagaling si Mommy, Carol! Pagkatapos kaming iwan ni Daddy ay nawalan na siya ng ganang mabuhay. Alam mo naman ang kalagayan niya. Tapos noong namatay si Daddy, noon namin nalaman na lulong sa sugal. Kung malalaman niya ang dami kong palpak sa iniwan ni Daddy sa amin ay baka tuluyan nang bumigay si Mommy, Carol. What else we can do?"
"Nasabi ko na ang options, Veniz. Kung ayaw mo sa mga sinabi ko ay wala na akong magagawa kundi hayaan nating tuluyan nang maglaho ang Villaluz Empire sa business industry."
"Iwan mo muna ako, Carol. Gusto kong mag-isip."
Walang imik na lumabas si Carol.
Binuksan ni Veniz ang kanyang drawer sa ibabang bahagi ng kanyang mesa. Kinuha niya ang redwine na nakalagay sa pinakasulok na bahagi ng naturang lalagyan. Tinungga niya ito.
Mainit ang likido na nagdudulot ng tila pagkasugat ng kanyang lalamunan pero sa kalaunan ay nagdudulot ito ng matamis na sensasyon sa kanyang katawan.
Twenty one siya noong namatay ang ama dahil sa alta-presyon. Inakala ng karamihan na napabayaan nito ang kanyang kalusugan dahil sa dami ng trabaho. Ganoon din ang nasa isip ng dalaga.
But after his death, nalaman niya ang tunay na dahilan. Nalulong sa sugal ang ama at pati ang pera ng kompanya at ninakaw nito para masuportahan ang luho.
BINABASA MO ANG
A 50-MILLION PESOS BRIDE (COMPLETED)
RomanceDati ay siya ang nasa itaas pero biglang bumulusok ang gulong ng kanyang buhay. Siya ngayon ang nasa ibaba. At lahat ng mga ginawa niya kay Travis ay nagsisimula nang makarma si Veniz. "Veniz, you have no choice! Marry me to regain your wealth!" "Ov...