"Labas tayo. Masyadong mausok dito."
"Ha?"
"Halika sa labas." yaya ni Dwin. Inabot niya ang kamay ko at lnaglakad kami palabas sa maingay at mausok na bar.
"Wew! Ang usok masyado sa loob no?" habang pinapagpag ang checkered na polo niya.
Ngumiti lang ako sa kanya habang siya ay patuloy na nagpapagpag ng damit.
"May gusto ka bang puntahan?" Tanong ulit niya.
"Wala naman."
Sa isip-isip ko siguro nagsisisi siyang isinama akong lumabas. Dahil simula pagpasok namin sa bar at paglabas ay siya at siya lang ang nagkukwento. Siguro dahil di lang ako sanay at naninibago ako sa lugar. Hindi naman kasi talaga ako pala-labas. Napilitan lang naman akong sumama dahil pinagbigyan ko lang ang pinsan ko na idate ang bestfriend ng boyfriend niya. Akala ko naman ay double date yun pala sa bar kami pupunta at iiwan ako dito sa bestfriend ng boyfriend niya.
Mag-aalas tres na ng umaga. Medyo dinadalaw na ako ng antok ko.
Ang tagal naman magtext ni Insan. Sa isip isip ko.
"Venyl? Okay ka lang ba?"
"Ha?" Sa pangalawang pagkakataon, ha na naman naisagot ko sa kanya.
" Ang sabi ko, okay ka lang ba? Parang tulala ka."
" Ah oo, okay lang. Sorry." Sagot ko.
Gwapo naman itong si Dwin. Matangkad. May kaputian. At saka mabango. Natakpan na kami ng usok lahat lahat gawa ng mga taong bumubuga ng apoy sa bar pero kahit malayo amoy na amoy ko ang pabango ni Dwin pero isa lang talaga ang laman ng puso ko.
" I know some place where we could relax. Wanna join me?" Yaya ni Dwin.
Gusto ko sana sabihin na ano pa bang magagawa ko kung di ang sumama sayo, alangan naman magpaiwan ako dito pero umuo na lang ako sa kanya.
" Let’s go! Let’s have fun". wika ni Dwin habang binubuksan ang pinto ng pulang pick-up.
Siguro trenta minutos din ang byinahe para makarating sa pupuntahan namin.
Walang tao. Tahimik. Malamig ang ihip ng hangin. Lalo ko tuloy naramdaman ang panlalamig.
Niyaya niya akong umupo sa likuran ng sasakyan.
Napansin kong biglang tumahimik si Dwin kaya ako naman ang nagtanong.
" Ayos ka lang ba?"
" Oo naman. Ikaw ba? Okay ka lang?" Pabalik na tanong niya habang nakatitig sakin.
" Okay lang.. Siguro."
" Nag-away daw kayo? Sorry ha? Di ko sinasadya na mangusisa pero.."
" Nakita ko siya. May kasamang babae. Sabi niya, pupunta daw siya sa kaibigan niya tapos nakita ko siya sa restaurant. May kasamang ibang babae." Hindi ko na mapigil ang luha ko at maya maya ay unti unti ko nang nararamdaman na isa isa nang tumutulo ang luha ko.
Lumapit si Dwin sakin. Sinandal ang ulo ko sa balikat niya at dahan dahan pinunasan ang mga luha ko.
" Kaya siguro, nanlalamig siya sakin at palaging kulang sa oras."Pahabol ko.