Kylie's Pov
Minulat ko ang mata ko at nandito na naman ako sa lugar nato. Lugar kung saan natapos ang lahat.
Nilibot ko ang mata ko sa paligid at para akong nasa ibang lugar. Iba iba ang kulay ng mga bulaklak sa paligid at may mga ilaw sa maliit na nagsisilbing parang kumikinang. Tumingin naman ako sa inuupuan ko. Gawa sa rosas.. na kahit anong ganda ay hindi pa din maiiwasan masugat sa tinatagong tinik nito.
Walang emosyon ang mukha ko habang pinagmamasdan lahat hanggang sa mapatingin ako sa lalaking palayo saakin. Tatawagin ko sana sya ngunit kinapos sa ere ang boses ko ng may biglang humigit saakin patalikod.
"Hayaan mo na sya. Wag ka ng umasa na babalikan ka nya.."
Napamulat ako ng tumunog ng malakas ang cellphone ko. Papikit pikit pa ako ng sagutin ko ang tawag.
[Chararat!! Kamusta si lola mau?]
Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko at nahikab bago binalik ulit.
"Okay na sya. Nasa ospital pa din, kami nalang ni kuya ang umuwi muna sa bahay." Humihikab pa na sabi ko. Tumingin ako sa oras at 8 o' clock na pala. 9 30 pasok namin.
[Ganun ba? Papasok ka na ba?]
"Hindi. Kagigising ko lang. Thank you sa alarm."
[Gaga ka! Dalian mo! Nasa canteen na ko.]
Binaba na nya ang tawag kaya napa face palm ako. Aga nya naman pumasok? Sabagay iba talaga nagagawa ng excited. Bumangon nako para makaligo. Nakakapagtaka lang na may pasok pa kahit may party na mamaganap mamaya. Lakas ng trip ng principal.
Pagkatapos ko ay nagbihis nako at bumaba sakto naman na nagaahin na ng pagkain si yaya mae.
"Nasan po si mama?" Tanong ko at naupo na sa upuan.
"Nasa ospital pa kylie. Di mo alam?"
"Ayy oo nga pala.. hehe." Nakuu lutang na naman ako
--
"Kyliee!" Sigaw ni cheska ng makatungtong ako sa canteen. Ayun agaw pansin na naman ang bruha. Nanliit mata ko ng makitang nagiisa sya sa table naming magtrotropa. Baka masyado lang talagang maaga.
"Oh bakit?" Tanong ko at humikab. Di kasi ako nakatulog kagabi. Ang weird lang habang nakatingin ako sa verenda ko parang may tao. Baka sinumpong lang ng insomia.. tama kylie masyado ka lang nagiisip ng kung ano ano.
"Kylie! Chararat lutang!?" Napaayos ako ng upo at ngumiti ng pilit
"Sorry. Bakit?"
"Sabi ko kako.. pupunta ka mamaya?" Naliit na matang sabi nya
"Oo. Pinangunahan ako ni mama eh. Wala naman akong magagawa." Kibit balikat na sagot ko.
"Mabuti. Sabay nalang ako sayo. Sinong maghahatid sayo mamaya?" Napataas naman kilay ko
"Luh? Bakit? Nasaan jowa mo si jasper?"
"Wag na wag mo nga masabi ang pangalan ng demonyo na yon!! Bahala syang hinayupak na yan." Anya at gigil na gigil na sumisipsip sa coffee late nya.
Tatawa sana ako ng makita ko ang grupo nila rossy na nakatingin samin- o mas tamang sabihin na sakin. Ngisi ngisi sila at parang may kung anong banta ang mga tingin nila.
Umirap nalang ako sakanila at pinagmasdan nalang si cheska.
--
Pagkadismiss ng teacher ay parang bulang nawala lahat ng kaklase ko. May ilan pa akong nakikitang tumatakbo at halos malaglag na ang gamit sa pagmamadali. Nakibit balikat nalang ako at nagumpisa ng maglakad paalis sa room.
BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Подростковая литература(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...